Nasanay na ako sa mga masasakit nilang mga pananalita sakin. I used to it since I was a kid. Sa ugali ko ba namang makulit at napakapala-sagot, siguro I deserve it din naman. Nasanay na ako sa pamumuhay nang laging kinukumpara, sa pamumuhay na ni minsan hindi ako kinampihan. Laging ako ang kontrabida, hindi naman sa nangongontra ako gusto ko lang iexplain na may iba pang options pero nagmumukha na palang mali at laging kontra.
Actually, aaminin ko, lumaki akong gusto ko lagi nasa akin ang atensyon, na ako ang paborito ng lahat, may pagkakalog din naman kasi ako, at napagtanto ko na kaya may ganun akong ugali dahil hindi ko nakakamit yung atensyon na yun sa bahay. Wala sa akin ang atensyon ng aking mga magulang pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Ok lang sakin lahat. Nasanay na lang din ako sa sakit, sa paulit-ulit na tahimik na umiiyak tuwing gabi, mula bata hanggang ngayon bente na ako. Sa mga suicidal thoughts ko na hindi ko kayang gawin kasi gusto kong may maipagmalaki sa kanila, na may mararating ako at gusto ko maging proud sila sakin. Sa mga paglalayas thoughts ko kasi ayaw kong kaawaan ako at sumakit pa ang ulo nila sa pag-aalala sakin. Mabait na ba akong anak nun kahit papaano? Kasi ni minsan hindi ako nagrebelde? Sa tingin ko para sakin oo, kasi kahit papaano hindi ako nag-isip na maghigante at magbigay pa ng dagdag na sakit ng ulo. Ewan ko hindi na ako gaanong nasasaktan. Namanhid na talaga siguro ako. Maging sa school, pag pinapagalitan ako ng teacher ko parang wala na lang, kasi sanay na ako. Minsan nga naiisip ko gusto ko na lang din maging si jackie hahahahahahhaahha. Naiintindihan ko naman kung bakit si jackie ang kinakampihan nila kasi bunso, pero minsan kasi ang sakit na din, hindi mo maipaglaban na tama ka kasi anak ka lang at ang mga magulang lang ang laging tama. Ewan ko ba pero mas gusto ko na lang din sumagot, para maipaglaban ko na tama ako pero sa maling paraan na pala, kaya siguro nawawalan na din sila nang gana sakin dahil sa ugali ko, “mawawalan ng gana sayo ang mga tao dahil sa ugali mo”.
Pasalamat na din ako kasi lumaki ako nang ganito, na may strong personality. Hindi ako nanghihinayang sa mga taong umaalis, hindi nanghihinayang na narerejct ako kasi doon ako sanay, hindi takot magtry kahit na may pag-aalinlangan, at hindi takot na ipaglaban ang nalalaman kahit na minsan hindi ako pinakikinggan. Ako yung tipo na hindi agad-agad sumusuko, pag napagod maglalaro muna, tapos balik na ulit kasi gusto ko may mapatunayan. Mapatunayan sa aking mga magulang. Pag ako nagkapamilya, magkakaroon ng dalawang anak hindi ko ipaparamdam sa kanila lahat nang naranasan ko, kasi alam ko yung pakiramdam na makumpara. Comparing is the worst feeling kasi pakiramdam mo hindi ka pa sapat.
So I just explored here in my personal tmblr acc and to my other tumblr fan acc which is this @yeolswife, and discovered my tumblr accounts are my true friends that are one call away and accept me for really who I am without any judgements.