Dito.. dito mo ako iniwan, Kung saan natatagpo ang lupa at kalangitan. Mag-isang tinatahak ang daan; Hindi alam ang tungo kung saan, Isinisigaw ang iyong pangalan. Dito.. dito mo ako iniwan, Kung saan nag-aaway ang araw at kadiliman. Naliligaw sa kawalan; Pikit-matang nakikipagsapalaran, Kinakapa ang iyong larawan. Dito.. dito mo ako iniwan. Kung saan sabay tayong umawit ng walang hanggan. Iniukit sa bato ang sumpaan; Subalit tila iyo nang nakalimutan, Bakit nawalan ng ningas ang dating suyuan? Dito.. dito mo ako iniwan, Kung saan nagtatago ang ngayon sa nakaraan. Bumalik ako sa dating tagpuan; Umasang iyong babalikan, Ngunit ni anino mo'y hindi ko na nasumpungan. Ganito.. ganito mo ako iniwan, Parang isang gamit na basahan. Daig pa ang laruang pinaglumaan; Itatapon na lamang sa basurahan, Oh, kay sakit naman! Enz.2017 #tulakbay #tula #paglalakbay #iniwan #hugotsabundok #hugot #bundok #bundukero #hiking #mountaineer #mountaineering #nature #naturephotography #naturelover #igers #picoftheday #makiling #travels #traveler (at Mount Makiling)

















