Huling El Bimbo
Unang kanta na natutunan kong tugtugin sa gitara.
Mga aral na natutunan ko:
Wag kang aasa sa ibang tao, lalo na para sa pangarap mo
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dadamayan ka ng mga taong pinaniwala ka na lagi lang nanjan para sayo
Palayain ang sarili, kung ano ka taas noo mong ipagmalaki
Wag kang matakot ipaglaban ang tama, pero sa paraan na di ka makakasakit at makaka-apak ng iba
Kung mataas ka na, matuto kang tumingin at bumalik sa kung ano ka noong wala ka pang nararating
Walang nagsisi sa simula, lahat ay nasa huli.
Tanggapin lahat ng pagkakamali, at kung may pagkakataon itama
Mahalin ang sarili ng higit sa lahat, wag ibase sa kung paano ka mahalin ng ibang tao
Hayaan mong husgahan ka ng iba, patunayan mo sa huli na mabuti ka
Pag wala ka na, pag patay ka na saka lang makikita ang halaga mo, may ambag ka pala sa mundo
Wag kalimutan ang bagay na kailanman ay di kukupas, katulad ng paglikha ng liham na maaaring itabi sa isang kahon at babasahin sa paglipas ng panahon















