Malaya; estado kung saan maaring gawin ang ninanais ng walang nagbabantang kapahamakan o naghihintay na kamatayan.
Sabi nila, maraming taon na ang nakalipas pagkatapos natin maging maging isang bansang malaya. Ngunit, bakit tila yata kada kibot natin sa mundo ngayon ay mabigat na hinuhusgahan ng mga tao? nilalait? at katulad ng ginawa ng mga dayuhan sa watawat natin, ibinababa? Bakit ang hilig natin bumalik sa ating sariling pagkasira?
Minsan, hindi natin namamalayan na ang mga salitang nabibitawan natin ay kaakibat ng mga bayonetang nakatutok sa ulo ng mga Pilipinong nakipagsapalaran noon.
Malaya na ba talaga tayo?
Kung ganoon, bakit natin ginagapos ang ating sarili at pinipiringan ang mga mata na dapat ay nakakita na?
— gaano tayo kalaya?









