Grabe pala talaga pag nalaman mong di ka talaga mahal ng taong mahal mo noh? Yung akala mo totoo na, yung akala mo siya na, yung akala mo seryoso siya, yung akala mo di ka niya iiwan, pero yung akala mo, akala mo lang talaga. Wala na, hanggang dun na lang pala. Totoo nga na maling akala lang talaga ang lahat. Masakit, masakit kasi umasa ka, umasa ka sa wala. Di nga talaga natin malalaman kung may aasahan ka talaga sa isang tao na minsan nang nangako sayo. Iba na talaga ang panahon ngayon noh? Mahirap ng makahanap ng taong seseryoso sayo. Yung tipong mahal ka niya kasi mahal ka talaga niya. Hindi yung mahal ka niya kasi wala lang, kasi bored o trip ka lang niya.











