pumunta kasi kami ng sm para bumili ng black shoes . yes . black shoes . parang yung iba may klase na tapos ngayon p lng ako bumili ng black shoes :)) so pumili muna ko . una , may natipuhan ako . lumapit ako sa saleslady para magpakuha ng size na 7 1/2 . sinungitan ba naman ako ? parang gusto kong sabihin na "miss , problema mo ? naghahanap ka ng away?" nakakainis kasi tapos nagmmake face pa . ******* inis na inis ako . inaantok pa naman din ako . tapos wala daw half size . e di hiningi ko na lang size 8 . ang tagal kong naghintay para sa sagot na "wala" . **** . ang sarap dukutin nung mata nung saleslady . kainis . after nun kumuha n nman ako ng isa pang sapatos na natipuhan ko . humingi ako dn ako ng size 8 nun kasi maliit tlga . tapos naghintay na naman ako ng pagkaaaaatagal tagal !! para na naman sa sagot na "wala" . sa loob loob ko , "magsara na kayo . lagi na lang wala ******* " . so kailangan ko na namang pumili ng isa pang sapatos na matino . at last ! may size 8 na . ang tgal na namang dumating . traffic ba ? traffic ? kainis . nung dumating na *** ! ang luwag !! sabi ni mama pumili na lang daw ako ng iba . size 7 n lng ang kunin ko . tumingin daw ako ng ibang sapatos . baka sakaling maiba ang size kasi yung ibang size 7 n sinukat ko hindi kasya at masikip . sa paghahanap , may nakita ako . sakto lang sia . hindi maluwag hindi masikip . nagpakuha ako ng stock dun naman sa salesman . ang bilis niang nakakuha . kaya lang yung unang box na inabot nia , maling sapatos . ako naman , di ko agad namalayan kasi halos pareho sila ng hitsura . nung tingnan ko yung ilalim , sabi ko kay mama , "ma , hindi ito yun . star ang nasa ilalim nun e ." sabi naman ni mama "oo nga no" tapos nilapitan nia ung salesman para (ireklamo)ipapalit . sa wakas ! nakakuha din ng sapatos . pambihira yung mga yun . PALPAK ! panira ng araw . pfft .