I maybe Catholic, but I'm not that religious. Oo, I don't read the Bible. Di rin ako nakikinig kapag nagmimisa. Siguro nga bastos ako. Ginagawa ko lang ang mga bagay na yun para kay Lola.
Catholic ako by birth certificate, hanggang papel lang. Yun lang yun. Never akong pinilit ng mga magulang ko na maniwala ako sa mga ganun. Bata palang ako, pinalaki na ko ng mga magulang ko na wag maniwala sa mga santo't santa dahil ayon sa kanila ay tao lang rin ang may gawa nun. Pinalaki nila ko na bukas ang utak sa lahat ng bagay. I mean, kalahati ng buhay ko'y nakagisnan ang kultura ng mga Muslim, yung isang kalahati naman ay ang kultura ng mga Katoliko. At masasabi ko ring halos hawig lang ang dalawa. Ang pinagkaiba lang ay masyadong pakialamero ang simbahang katoliko. Pasensya na, nagsasabi lang ng totoo. Nakita niyo naman di'ba? Konting kamalian sa paningin nila, petition agad. Kawindang lang.
Ang weird lang at pati mga concert pinapakialamanan nila. Di naman lahat ng tao sa Pilipinas katoliko. They keep shoving down their beliefs down into people's throats. This is why ni minsan hindi masyadong pinapaniwalaan ni ina ang simbahan. Yung iba nga, katoliko kuno. Pero tunay bang katoliko yan? Baka naman hanggang pakitang tao lang yan?