Top 4
Kanta Kadena
“Gaslaw sa Galaw Award”
Ito yung inimbentong laro nila Jordan, Ellaine at Rhegenile. Yung gameplay parang shagidi shagidi shapopo. Hindi ako msyado sumasali noon sa mga kaibigan ko na naglalaro ng Shagidi Shagidi Shapopo kasi nga hindi ako marunong sumayaw. Kaya nung nalaman ko na ganito yung lalaruin namin parang nahiya ako agad at nag alangan. Pero since bawal KJ push lang.
Highlight
Pumila ng dalawa ang magkabilang team na nakatalikod sa isa’t isa. Dahil nga sa wala akong kumpiyansa na makakasunod ako sa kung ano mang ipapasayaw samin, nakahinga ako ng mejo maluwag kase hindi kami magkakakitaan. Pero kalaunan, nagdecide sila na magkaharapan na lang. Nung nakatalikod nga hiyang hiya na ako sumayaw anu pa’t nagkaharapan na kami. So dedma kase mabilisan naman eh. At masaya yung naging laro naming kase nga lahat game at walang KJ.
MVP
John Hernandez











