Philippine Games
Ito ang isa sa mga PE’s na natuwa ako. Hindi ko akalain na malalaro ko ulit ang mga ganitong klase ng laro sa edad kong ito. Noon nilalaro lang ang mga ito ng mga bata sa kalsada at sa school. Iyong iba pa ay ginagawang tournament sa ibang department namin dati sa school. Very refreshing lang na amidst demanding work life na kabila kabila ang responsibilidad na kinakaharap araw araw, dahil sa ganitong PE mayroon kaming avenue, kahit sa 3 hrs once a week, maramdaman ang pagiging bata muli. Walang inaalalang deadline, mga masusungit na boss at isang tambak na trabaho. Kapag PE nakakapagod man pero nakakatakbo kami, nakakasigaw at nakakatawa ng masarap kasama ang mga kabigan. Tulad noong mga bata pa na walang ibang inisip kundi paano makalabas para makalaro at makasama ang mga kaibigan. Dito sa Philippine Game na PE, naranasan ko muli ang legal na pag takbo pero hindi sa responsibilidad.












