Mga Magagandang Kapatid ni Papi
Nasa mall lang kami kanina noong nakita ko sina Yambungan at Tabagka Wad Pintua, mga babaeng kapatid ni Agyu. Halos napasigaw ako sa tuwa! Grabe, ang ganda talaga nila sa personal… sayang lang talaga at hindi ko sila nakausap. Isang litrato lang ang nakuha namin kanina. Buti nalang talaga at hindi ko pinalampas ang sandaling iyon!
Si Tabagka Wad Pintua iyong nakasuot ng itim. Ilang beses din siyang naging mahalaga sa pagtanggol ng bayan. Noong una, napagod na ang mga mandirigma namin kaya pinadala ni Papi ang kanyang mahiwagang singsing kay Tabagka Wad Pintua para humingi ng nganga. Buti nalang din at mabilis siyang naka-aksyon at lumakas kaagad muli ang mga mandirigma! Noong isang beses naman, siya mismo ang naging mandirigma! Di lang sa maganda itong si Tabagka Wad Pintua, matapang pa! Grabe talaga!
Bagay sa kanya, diba? Sobrang nabigla talaga ang kanyang mga kalaban dahil babae siya. Muntikan na nga niyang magapi ang mga kalaban eh. Sayang lang, natanggal ang pantali niya sa buhok, kaya naharangan ang kanyang paningin. Siyempre, di hahayaan ni Papi na mapahamak siya! Buti nalang talaga at nailigtas siya ni Papi nang matanggal ang kanyang pantali. Hayyy, ganyan talaga kapag babae dito sa Nalandangan. Lagi kaming tinatanaw bilang may kakayahan, ngunit hindi kasing galing o kasing tapang ng mga lalaki. :(
Si Yambungan naman iyong naka-puti na katabi ni Tabagka Wad Pintua. Naalala niyo ba siya? Siya iyong nag-utos sa nganga na “paro’n sa mga bihag, sa ngipin ng alipin” na mga taga-Yandang para muli silang palakasin. Buti nalang talaga!
Maganda rin (para sa amin) si Ikwangan! Tulad ng sinabi namin noon, di nga lang siya kasing tanyag ng dalawa pang kapatid na babae ni Papi. Ang balita namin, hindi daw talaga pala-labas itong si Ikwangan—wala tuloy umaabot na tsismis sa amin! 'Di bale na, maganda parin naman siya hihi.
Hayyy, ang gaganda talaga nila lahat diba? At swerte rin sila kasi lagi nilang nakikita at nakakasama si Papi!!! <3












