Jelly-eys
Naalala ko yung blog ko na 'yan. Yung mga posts ko puro about kalokohan lang. As in walang bahid ng lovelife. Kasi wala ako nun. Yes. HAHAHA. So gusto ko na rin ibalik yung dating atmosphere ng blog ko. Yung puro good vibes. Puro saya. Nideact ko 'yan kasi nagpadala ako sa mga anon hates/bashers. After that, nung bumalik ako iilan na lang sa mga friends ko yung nag stay sa'kin. Totoo yung kung kaylan lutang ka, dun mo makikita true friends mo. Kasi yung iba, kino-close ka lang kasi famous ka. Kino-close ka lang dahil sa dami ng followers mo. Pero masaya parin ako kasi nandyan parin yung mga naging kaibigan ko inside and outside ng tumblr world. Tapos nung nagbalik ako dito waw kahit apat may nakakilala pa sakin. Nakakatats. Si Fula, si Chen, si Majienbu, at si Anne. Eggzoited na rin ako sa mga magiging bagong friends ko ngayon. Promsie magiging active na ko. Hello din pala sa mga loyal followers ko. Wow lang wow. Ang dami na nag unfollow sakin kasi super duper inactive ko e. Pero nakakatats parin yung mga nag stay. HELLO ETO NANAMAN SI JELLY. MANGUGULO SA DASHBOARD NIYO <3
















