Try ko lang tong TAGGED.
Rules:
Post the rules.
Answer the questions by the person who tagged you and write 11 questions by yourself.
Tag 11 people and link them in your post.
Tell them you tagged them
Therabita’s questions
(eto naman sagutan ng mga tinag kong nilalang):
1. Bakit may mga taong paasa? Ikauunlad ba ng bansang Pilipinas yun?
~Sabi nila, masama daw ang umasa. Don’t assume daw kumbaga. Sinunod ko naman. Ayun! Sinasabi ko sayo, hindi masaya. Minsan kailangan ding magtake chances. Di ko alam kung bakit ko sinasabi to. Pero galing lang talaga sa isip koi to, hindi sa puso. #Emote
2. Ano mas masarap Coffee or Milk? Bakit?
~Nung bata ako Milk masarap. Tapos naging gusto ko yung kape. Pero ngayon gusto ko na ulet ng milk. #AyokoNaIelaborate
3. Paano mo masasabing naka-move on ka na sa isang tao kung sa palagi mo siyang nakikita bumabalik pa din yung feelings?
~Tingin ko di ka pa nakamove-on – na marealize na hindi na talaga kayo ang para sa isa’t-isa. Na hindi siya deserving para sayo. O baka hindi talaga siya ang para sayo. Na siguro mas sasaya siya sa piling ng iba. Minsan, (minsan lang ha?) dapat maging masaya na lang tayo na masaya ang mahal natin, kahit sa piling ng iba. #MayPinaghugutan?
4. May idea ka ba sa soul tie? Ano pagkakaintindi mo dito? (bawal magresearch ah!)
~Yan ba yung pinapausong tie ng souel korea? Ah ewan. Pero nakakagutom siya.
5. Anong lyrics ng kanta ang gusto mong i-message sa akin?
~”It’s not time to make a change, just relax take it easy” J
6. Anong pick-up line ang ibabanat mo sa akin? (yung sweet ah!)
~Ayoko nga. . . .ayoko ngang mawala sa piling mo! #Chos
7. Ano 5 characteristics ng ideal girl/guy mo?
~Smart, simple, beautiful, talented, and understanding.
8. Anong kanta ang bagay sa akin? (ibang kanta ah, bawal dun sa lyrics na hiningi ko)
~Raise Your Glass.
9. Pag nagka-coffee shop ako someday, anong magandang pangalan? (yung matino)
~Pangalan? Carla siguro. Naisip ko lang. Parang pag narinig mo, maganda na. Hehe.
10. Naniniwala ka ba sa soulmate? (bakit? bakit hindi?)
~Hindi. But somehow oo. Ewan.
11. Anong masasabi mo sa akin? (matino ha!)
~Feeling ko may pinagdaraanan ka sa flow ng mga questions mo. Pero bata ka pa. Gawin mo lang ang mga bagay na tingin mong magpapasaya sayo. Yun, gusto kitang maging kaibigan. Though tingin ko di ako mabuting kaibigan. LOL.
These are my questions:
1.) Masarap ba ang feeling na magmahal? Imean yung may relationship status?
2.) Anong feeling ng may crush na guy na torpe?
3.) Kung may pagkakataon, gusto mo bang maging lalaki? Bakit?
4.) Enough drama. Anong gusto mong kantahin para sayo kung sakali? (Wag mataas ha? =))
5.) Anong first impression mo saken as a whole person, based on my blog posts? (Ok lang yan, please be honest =))
6.) Kung isa kang kanta, anong kwento ng kanta mo at anong genre? O himig? (Malungkot, masaya, etc.)
7.) Ano bang gusto mo sa isang lalake? (Pwera na lang kung babae rin type mo, LOLJK)
8.) Eh ano naman ang ayaw mo sa isang lalake?
9.) Dapat bang lalake lang ang nagbabayad pag sa date?
10.) Tingin mo dapat rin bang manuyo ang babae? I mean kapag boyfriend/girlfriend na kayo.
11.) Tingin mo bakit ganitong klase ang mga tanong ko? #DiKoRinAlam
#WalangMagawa














