Day 9 — Someone you wish you could meet
Dear Someone-I-wish-I-could-meet (Ms. Jessica),
Hello po! Uhm, gusto ko po talaga kayo ma-meet kaya lang, I'm currently somewhere. Ahaha. Wala po ako sa Pilipinas eh. Kaya yun, hindi ako makakapunta sa Meet-up niyo po sa Mall of Asia.
Anyway.. Gusto ko po talaga kayo ma-meet kasi, yung story niyo pa na Southern High ang una kong nabasa na tagalog story. Dati kasi, ang alam ko lang basahin is yung published books, hindi ko alam yung tungkol sa E-books or books na nasa internet (taga-bundok eh, hindi updated. XD) Tapos, isa sa mga kaibigan ko yung nagbigay sakin nung story na yun, at na-enjoy ko po talaga siya.. kaya nanghingi pa ko ng iba dun sa friend ko na yun, tas marami siyang binigay tulad ng Hundred in One, A Place in Time, Xelfualizee, 25th Hour, R-13, Crisscross, at yung The Diary. Sa totoo lang, ngayon ko lang po nalaman na kayo po pala yung author nun at hindi ko akalain na iisa lang din pala ang author ng mga una kong nabasa. (di rin alam ng friend ko eh. XD)
Sobrang favorite ko po talaga yung mga stories niyo! Salamat po dahil patuloy parin kayong nagsusulat!! You've been an inspiration to me at sa iba rin pong tao~ Sana po talaga ma-meet ko kayo.
Ingat po kayo palagi, Ms. Jessica! God bless po!