“Guhit ng pagmamahal”
Para sa aking minahal,
Sisimulan ko sa kung paano tayo nagkakilala,
Sisimulan ko sa kung paano tayo naging masaya,
Sa kung paano natin iginuhit ang sarili nating mundo,
Sa kung paano natin kinulayan ang bawat sulok nito.
Sa kung paano tayo nagtulungang guhitan ang espasyo sa pagitan nating dalawa,
Linyang nagsasabing hanggang doon lamang tayo.
Linyang hindi basta-basta nabubura ng kahit sino.
Nagsisilbing palatandaan kung gaano tayo katibay.
Nagsisilbing palatandaan kung ano ang meron tayo,
Alam kong hindi mo maintindihan kung sino ka talaga,
At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung nasaan na ako.
Kung bakit parang ako’y litong-lito,
sa kung paano nagbabago ang kulay ng ating mundo.
Lumingon ako, at sa aking paglingon,
Hindi ko napansin, ako na pala’y lumagpas,
Lumagpas sa iginuhit na palatandaan.
Sumobra sa linyang limitado lamang.
Sinubukan kong panghawakan kung nasaan ako,
Oo tumagal ako, ngunit bumigay rin ako.
Di nagtagal, sinaksak ko lang ang sarili ko.
Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang iyong pagtalikod sa akin.
Kasabay ng pagpatak ng aking luha ang paglaho mo.
Kaya aking minahal, ako’y aatras.
Kahit sa pag-atras kong ito ay ang pagbabagong naghihintay.
Kahit sa pag-atras ko’y wala ka na sa tabi ko.
Aking minahal, aaminin ko.
Ako nga ay nagkamali sa paglagpas sa guhit na iyon.
Patawad aking minahal,
Ako’y sumuko na.
-Jar
07.01.16/10:22pm










