Alas kwatro na ng umaga't gising parin siya Ano kayang pumipigil sa kanyang pagtulog? Galing ba siya sa inuman? May insomnia ba siya? O baka naman hindi siya maka get over sa fact na paulit-ulit nalang ang mga pangyayari sa buhay niya at walang nangyayari sa kanya. Alam ba niya na kailangan na ng pagbabago sa sarili niya? Iniisip niya kaya kung anong mas makakabuti para sa kanya? Kaya niya kayang bumangon sa kaniyang mga problema? Baka sobrang pagod niya na sa kakaisip, hirap na siya makatulog kaya hinihintay niya nalang sumikat ang araw para mapilitan siyang pumikit sa nakakabulag na liwanag hanggang siya'y makatulog...












