Friend1: tingin mo kayo na talaga? Forever na tlaga? Ung siya na talaga?
Friend2: galing nuh, first & last.
Sa tingin ko talaga.. And I really want na sya na talaga. Alam mo yun.. Basta nararamdaman mo naman yun.kapag inlove ka. Hindi ko na kasi talaga makita ung sarili ko sa future na wala sya. Sobrang masaya ako ngayon sa relasyon namin. Hindi man kami nakakapagbond ng matagal everyday tulad dati. Masaya ako knowing na doble doble ung pagmamahal nya sakin na meron ako sa kanya. Ung kampante ako na AKO LANG talaga. Masasabi ko ngang mas naging strong talaga ung relationship namin ngayun simula nung nag 2 years kami. Parang bago lahat. Panibagong story na naman.
Nakatulong ung mga sitwasyon namin ngayun. Yung conflict sa sched at pati ung mga pagsubok bago kami mag 2 years.
Ang galing talaga ni God noh. Lahat talaga ng ginagawa nya ay para sa ikakabuti naten. Oo, mahihirapan tayo sa una at maaaring masaktan pero eventually marerealize mo ung mga magagandang effects nito at ung mga posibleng rason kung bakit pinaranas satin ni God yun.
Sobrang thankful ako kasi at da age of 16 binigay nya na kagad sakin yung lalaking hinihiling ko sa kanya nung 14 yrs. old ako. At hanggang ngayun na 18 na ako nasakin pa dun ung lalaking iyon.
Blessed talaga ako kahit na napaka dami kong kasalanan. Thank you God. i love you.