Ikaw at Ako
Nais kong malaman mong ika'y iniibig ko.
Ililigtas ka sa kahit sino.
Walang halong biro.
Mamahalin ka ng walang hinto.
Tumutula ako ng mahaba.
Tugma sa aking nadarama.
Mahal kita, mahal kita.
Oo na, ikaw na nga.
Date natin ngayon.
Ako'y manglilibre sa 'yo.
Lahat ng pagkain na ibibili ko ay 'iyo.
Subuan pa kita, dahil ako'y naririto.
Kasintahan mo ako, Boyfriend mo ako.
'Wag mo akong tatanungin kung bakit ganyan, ganito.
Dahil ginagawa ko lamang yun para sa ikakabuti mo.
'Wag ka ng magtampo, halika at yayakapin kita sa tabi ko.
Malaki ang pangarap natin sa buhay.
Sabay natin yun tutuparin ng magkasama.
Ikaw at ako, ay magkakaroon din ng pamilya.
Basta sa bandang huli, ika'y aking makasama.
Nangako tayo noon diba? AKSA?
Akin Ka, Sa 'yo Ako.
Walang iwanan, ikaw at ako.
'Di natin bibitawan ang salitang "Tayo".
Dito ko na ititigil ang tula ko para sa 'yo.
Pero gagawa ako ng madaming tula alay sa 'iyo.
'Di man ako si Fidel na pautal-utal at kung magsalita pahinto-hinto.
May 100 na tula para kay Stella sa kanyang iniirog.
Ako naman siguro si Fransisco Balgtas.
Gagawan ka ng isang milyong tula, galing pa mismo sa aking puso.









