Una, hindi ako boyfriend material.
Hindi ko hilig ang basketball dahil ang laki ng bola at ang hirap magshoot pag may malalaking taong nakaharang sayo. Ayoko rin nung nagbabanggaan at nag-aagawan sa bola kahit na pwede naman kayong magshare o bumili ng tag-isa. Magkano lang naman 'yon. Ayoko ring hinaharangan 'yung kaibigan ko pag moment na niya para magpapogi at magfeeling magaling. Ayokong agawin 'yung hindi sakin at higit sa lahat... Sobrang init ngayon. Swimming na lang tayo.
Volleyball talaga ang sport ko. Pero anyway, wala akong kotse at atm card at private jet at kung ano man na meron 'yung mga lalake sa librong binabasa mo. Pero marami akong kwento na minsan hindi ko na nakukwento kasi nga sobrang dami. O tinatamad ako. Tamad ako, actually.
Pero ako si Ivan Christopher Arevalo at ang sole purpose ng post na ito ay para magpakilala sa mga bagong kaibigan dito. Hi guyth. At magpakilala ulit sa mga dati ko nang kaibigan dito na hindi ako iniwan kahit matagal na rin akong naging inactive. Hi guyth. At sa mga makikilala ko pa sa future. Hi guyth.
18 yrs old na ko at pwede nang ligawan. Pwede na rin akong makulong at pwede na rin akong pagbentahan ng alak sa seven eleven kung hindi nila pagdududahan 'yung height kong 5'5. Oo, cute ako. Ikaw din naman siguro. Pero ayoko talaga sa babaeng naghi-heels dahil nagiging mas matangkad sila sakin at bawal na kong magpapicture sa kanya kung hindi kami nakaupo. Mahirap talagang maging maliit lalo pag lalake. Promise.
Pero ang laman ng blog na 'to, ay ang collage ng ka-randoman na nagaganap sa buhay ko at 'yung mga bagay na hindi naman talaga nangyari pero naisip ko lang. O pinaplano ko pa lang gawin. Saka 'yung mga kasinungalingan na hindi ko mapanindigan sa totoong buhay at 'yung mga bagay na gusto kong mangyari at gusto niyo rin, siguro. Sobrang init ngayon ang hirap mag isip kung anong sasabihing kasunod. Kaya kailangan ko nang lumipat sa susunod na paragraph.
Interesado ako sa photography at sa literature at sa film at sa books at sayo. Charot. Kaya kung ikaw din, siguro magkakasundo tayo. Pero tamad akong makipagusap minsan pero minsan naman sobrang daldal ko ikaw naman ang tatamarin at mapapagod. Hindi ko crush si Ish. Konti lang. Hihi
Meron nga pala kong ibang accounts.
Facebook: https://www.facebook.com/iivanarevalo?ref=tn_tnmn
Twitter: https://twitter.com/Aybans
Wattpad: http://www.wattpad.com/user/ivanarevalo
Ask.fm: http://ask.fm/imivanarevalo
At meron din kaming FB page na pwede niyong i-like at ipa-like sa kung kani-kanino kung meron kayong oras at kung bored na bored na kayong bakasyon:
https://www.facebook.com/pages/The-Three-Idols/276357952492746?fref=ts
So iyon. Ito na muna siguro. Alam kong may kanya kanya tayong buhay sa kanya kanyang blog at kanya kanya ring trip minsan pero ang golden rule kasi sa blogging ay walang pakealaman.. Pakealamanan? Pakealamananan?... basta. Galangan na lang. Kung ano man 'yung mabasa niyo na hindi niyo gusto, o gusto, o parehas, sana iwan na lang natin ang thoughts natin tungkol dito sa Tumblr dahil what's on Tumblr stays on Tumblr.
Although wala rin naman akong gaanong sikreto. At okay lang din naman na malaman ng iba. At ang panget ko talagang tumapos ng composition. Kaya hanggang dito na lang siguro muna.