At habang merong 'tayo' na nakaupo sa kumportable nating upuan at nagcocontemplate tungkol sa mga bagay na tinuturo satin ng life, or habang abala tayo sa mga pasimpleng hugot sa susunod nating facebook post, merong mga mangilan ngilan sa kabilang dako, o sa kabilang kanto, o sa kabilang kwarto, o sa maliit na espasyo pagbaling mo sa kaliwa ng kama mo na nakaupo sa dilim at hindi makaintindi. Hindi makasabay. At hindi makapag make sense sa sunod sunod na pasabog ng buhay. Yung mga mangilan ngilan na hindi pa rin matanggap ang mga kashitan at katotohanang hindi na mababago ng panahon bagkus ay kailangan na lang na tanggapin at isubo nang buo. Yung ilan na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pagtatanong ng Bakit. Bakit. Bakit. Na hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang sagot. Kailangan nila tayo. ------------ Para sayo at sa iba pang mga taong nangangailangan nito.











