Thankful for my friends
Siguro nga ngayon ko nararamdamang mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko. Nasa ospital pa din ako ngayon for 6 days dahil sa dengue at pasalamat ako na week long, pinuntahan ako ng mga kaibigan ko. Napakasaya kase alam mo yun parang di ko naman kase inexpect na ganun pala nila ako kamahal at kamiss. Alam mo yung andami mong narereceive na text messages and chats telling you na magpagaling ka na. Ang saya saya lang sa pakiramdam na andaming nagmamahal sayo. Totoo pala na gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo tas ikaw din naman ang aani nun. Its a good give and take relationship sa friends ko.










