Maghihingi sila ng advise tapos 'pag nag advise ka magagalit o 'di kaya babaliwalain nila. Ang gulo diba ? Nanghingi pa sila ng advise kung babaliwalain lang naman nila. Based on my experience, most of my friends gave me advises; kesyo ganito ganyan gawin mo, etc.Lahat ng sinabi nila sakin binaliwala ko, as in lahat. Alam ko naman deep inside na tama sila pero pinagpatuloy ko pa din yung gusto ko. O diba, ang tanga ko?! At sa huli nagsisi din ako na bakit 'di ko sila pinakinggan, simula pa lang naman alam ko na mali eh, pero mahal ko yung tao. Nagpakatanga ako in almost 1 year and 4 months. (tanga ko talaga!) Nag-anniversary kami na wala siya, andon siya sa rehabilitation center sa ibang lugar habang ako naghihintay na baka sa pagbalik niya nagbago na talaga siya. I rarely visited him kasi nag-aaral ako, and hindi kami masyado good terms nang nanay niya. (haha) After 6 months of waiting, nakalabas na siya but he still needs to go back and fort at the rehab center ewan ko kung para sa ano pa. I THOUGHT nagbago na siya. When his whole family had a vacation trip at Malaysia at naiwan siya sa bahay nila with his lola, yung dating siya paunti-onti niya na palang binabalik at yung ugali niya dati saken bumabalik din. Sabi ng friend ko; "kelangan mo ng talagang makipag hiwalay sa kanya kasi kahit ano pang pabalik balik niya sa rehab hinding hindi na yan magbabago. Kung gusto niya talagang magbago dapat matagal niya nang ginawa." Lahat na nang tropa ko pinagsasabihan na ako at sa wakas nagising na din ako sa katangahan ko. ( yeeeey haha) Last naming kita, bitter na bitter siya saken kasi iniwan ko daw siya nong down na down siya. Yung mga promises ko daw 'di ko tinupad. Sagot ko naman "promises meant to be broken", nagalit siya tapat sakin. Ayon hanggang ngayon bitter pa rin sakin. Almost 1 year na kaming hiwalay pero bitter pa din siya sakin. (haha) Kung siya nabubuhay siya na bitter, ako nabubuhay na masaya at kontento sa pamilya at kaibigan, at patuloy na inaabot ang pangarap para sa sarili ko at sa pamilya ko. Masaya na ako ngayon, every time I remembered our past napapatawa na lang ako sabay sabi "ganon pala ako katanga noon". I really can't imagine until now na naging sunod sunoran ako sa kanya at nagpakatanga. Kakalimutan ko na lang yung past, nasaktan man ako at least lesson learned. Maging masaya na lang ako sa kung anong meron ako ngayon at hindi ako titigil na maging masaya kasama mga mahal ko sa buhay. May'xx













