Lisan
Kung ‘di rin ako kayang panindigan
Pwede bang ikaw ay lumisan?
Kasi puso’y hindi mapigilan
Kapag ikaw ay nariyan.
Pwede bang ako’y bitiwan,
Kasi sabi mo hindi na katulad ng dati ang nararamdaman.
Wag na sana akong paasahin,
Na sa dulo’y ako pa din ay iyong hihintayin.
Kung nagdadalawang isip na ang puso mo,
Bukas naman ang aking pinto.
Pwede ka nang lumisan, maari pa ring bumalik
Pero sa oras na ako’y natauhan,
Baka wala ka nang balikan
Kaya sana pag-ingatan
Ang puso kong sayo pa rin nakalaan.
Hanggat pangalan mo pa ang naka-ukit, ingatan mo naman.












