Anong nangyari?
Ang simple lang naman ng buhay pero bakit nagiging komplikado? Dahil ba malawak ang isip ng tao? O sadyang hindi lang talaga nakukuntento? Galit. Ingit. Pait. Puot. Salot. Ano pa ba?
Bakit hindi maging masaya?
Ako lang ba o pati ikaw? Pati rin ba sila?
tenen*
Hi. Ako si bata. Twenty three years old. Walang trabaho, nasa isang banyagang lugar. Saktong gulo lang ang buhay kasi alam ko may mas magulo pang buhay kesa sa buhay ko. At hanggat nasa mundong ibabaw ako, maswerte ako. So sino ako para magreklamo?
Hindi ko alam kung kumplekado ba talaga ang buhay ko o ako lang ang gumagawa ng dahilan para maging kumplekado.Â
Gusto kong may marating sa buhay pero parang may pumipigil sakin. Katamaran ko ba o takot? Hindi ko din alam.Â
Nalilito ako ano ba dapat una kong gawin, alam ko naman na ang buhay ay hindi isang karera, pero bakit ang iba mas nahahangad ang mga bagay na pinapangarap ko lamang? Dahil ba hindi sila takot katulad ko? O dahil meron sila nung isang bagay na wala ako?Â
Aminin mo man o hindi, malaking bagay ang salapi. Pero kung paghihirapan mo, makakamit mo.Â
Hindi ako matalino, hindi rin ako matiyaga pero may pangarap ako. Gusto kong tuparin pero may mas may kailangan ng tulong ko.Â
Gusto kong may magbago pero hindi ko alam paano sisimulan. Paano nga ba umabante kahit hindi mo tanaw ang iyong nasa harapan?
Hindi rin ako magaling kung saan man kaya siguro hindi ko rin alam saan ako magpopokus. Ibang bagay ang palaging inuuna, parating gusto masaya.
Masaya naman ako, palaging gustong maging masaya. Pero bakit ganun, unti umting nawawala yung ningning saking mga mata?
Inuuna kasiyahan ng iba kahit akoây hirap na hirap na.Â
Sana Iyong magabayan kasi ako ay litong lito na.Â










