JGH.
-- productive? not quite.
pero madami din akong nagawa today. I picked up our new maid 'cause our old one's just plain crap.
then diretso akong punta ng Jollibee vito cruz. Late na rin ako nakaalis. 2pm ang usapan, 3pm ako nakarating. Ako, Hannah, Mark, Dyan tapos dumating din si Jeff. Then we went to Quirino kasi dun kami sasakay ng bus papuntang Cavite.
natagalan lang dahil kay Swity at Gian. pero ayos lang. Gwapo naman si Gian eh. CHAR!
ANG MURA NAMAN PAPUNTANG SM BACOOR. 25 LANG. POTEK.
turista mode pagdating ng Cavite. lumampas kami ng SM Bacoor at dun kami sinundo ni Jerick. Saya, pinagsiksik kaming 7 sa kotse niya. FIRST TIME KONG SUMAKAY SA KOTSE AT SI JERICK NAGDDRIVE. Di naman sa makabagong experience yung ganun, pero gusto ko ulit ulitin yun. Yung with college friends naman na magro-roadtrip. :>
Ang layo din pala ng bahay ni Jerick. "Kaya siguro sya nale-late noh?" - Hannah
sa kasuluk sulokan ng dasma. Masaya. KAIN AGAD. Ta's pagrupo grupong dumating yung "trops" ni Jerick.
hindi ko inexpect, okay? ANG DAMI NILA. 'yung akala mo wala na, meron pang dumadating. mga kinse na yata sila dun. or MORE.
jusko po.
puro lalake.
tatlo lang kaming babae. na naging lima kasi sumunod sila Kat at Jamie. Pero grabe.
We ended up staying inside nalang kasi in-invade na nila yung labas. andami nilaaaa.
AY. SUMUNOD DIN PALA SI BEAAAAAAA! ina mo Bea na-miss kitang pakyu ka! Sorry di ako makapagstay :( layo kasi eh. labyuu :*
Nung pauwi na, ako, si Hannah, si Mikee (Swity nya.) at si Gian, sumakay ng papuntang SM southmall, tas sakay ule papuntang Alabang.
--- ayun. NEXT KWENTO.
TANG INA. kabababa ko lang ng jeep. tumatawid ako ng biglang may paparating na jeep. putcha hindi man lang tumigil! malapit na 'kong mahagilap. buti nalang mabilis ako. pero putang ina talaga. Akala ko kukunin na'ko ni Papa Jesus.
Paglampas nya, dun lang siya tumigil, tapos SINIGAWAN PA'KO! Puta?!
"HOY!!"
napa-siga ako bigla e "HOY KA DIN! PU-TANG INA MO!"
leche 'yun. umandar nalang sya at napalakad ako papuntang sakayan ng trike. sa takot at sa galit na rin siguro, nanginginig yung tuhod ko. di ako maka-kalma. Tinext ko agad si Gino, kasi alam kong umiinom sila sa may Aguirre.
Patapos na raw sila. Nagpasama ako kay Gino kasi nagpapabili tatay ko ng yosi. Eh ayokong bumili ng yosi. Tapos baka hingan pa'ko ng ID. Sinamahan nalang niya 'ko.
Pero nilibre muna niya ako to dinner sa SEx. Nakapagusap din kami. :> THANKS KUYA G! :D
at yun. nakauwi din. may tumawag pa. HAHAHAHA! Di daw ako matawagan. Low batt na'ko e. chos. Sorrey. Pero nakauwi na 'ko. :)
kalma na. okay na. :) masaya naman 'tong araw na 'to. :D
FIRST TIME COMMUTE TO AND FROM CAVITE. I LOVE IT. :))











