BALER TRIP 📅 November 11 - 14, 2017
Bago ko itago sa OTG ko lahat ng litrato, gusto ko muna ilagay dito. Isa ‘tong trip na ito sa mga naging daan kung bakit parang nadugtungan yung buhay ko. Oo! Medyo OA ano? Pero alam mo, totoo! Yung byahe at experience ko dito, masasabi kong akin at iyon ako.
Sa apat pang kasama ko - sa tropa na ewan ko ba, iba sila! Yung suporta, alaga, pagpapatawa, basta! Lahat na! Binigay nila yun sakin sa mga panahong kailangan na kailangan ko talaga!
Sa mga taong nakilala at naging kaibigan namin doon, mula kay Kuya Rodel sa Van, kay Samboy ng ER7, kay Kuya Mars sa Mother Falls, kay Vince na nagtulak sa akin sa mga alon para lang sa maigsi pero masayang ride sa surfboard, at sa lahat, maraming salamat! Sa inyo na yung parte ng buhay ko tapos sa akin na yung parte ng lugar niyo!
Dahil sa Baler, nabuhay ulit yung kagustuhan kong makakita pa ng ibang lugar. Kasi totoo pala, makakalimutan mo kahit sandali na mabigat yung dala mo, kasi ang gaan lang sa pakiramdam lahat ng makikita mo. Dahil sa Baler, nagkaroon ako ng pagkakataon na makakilala ng iba pang mga tao. Mas nakilala ko rin yung sarili ko. May iba pa pala akong kayang gawin bukod sa mga bagay na nakasanayan ko na. May pakiramdam pala na iba pa, akala ko lang kasi yun na.
Kaya salamat! Babalikan kita at pangako, kapag bumalik ako, dahil gusto kong ipakita sa’yo na masaya ako at hindi dahil broken hearted ako.
Hindi kita makakalimutan. Mula sa luntian hanggang sa tubigan. Hanggang sa muli, Baler! 💃















