Lovelife
Hi? Anong bago sa lovelife niyo? Anong happenings sa valentines day niyo? Siguro masaya kayo noh? Siguro kinikilig kayo. . .
Wala naman akong hiniling na kung ano pa kay jhed given ng hindi siya sweet at wala siyang suprises . Naiintindihan ko na yon at wala nakong magagawa don.
Pero nung tumatagal para bang nagbabago na ang lahat, hindi ko alam bakit ganun? para bang nawawalan nako ng gana, para bang normal na sakin yung hindi ko siya makausap sa araw-araw. Para bang walang kulang sakin pag hindi ko siya naramdaman.
February 14, masaya ba kayo? excited ba kayo?kasi may suprise boyfriend niyo sa inyo. Ako biigyan niya ko ng bulaklak at cake. Para ngang lovelife namin yung bulaklak wala ng kafresh fresh lanta na siya ng light, parang kami wala ng SPARK. Ewan ko pagnakikita ko siya hindi nako naeexcite . Umalis kami nung v-day nagpunta kaming trinoma namasyal namili. Ewan ko pero nung nasa bus kami wala akong kagana gana para bang magkatabi lang kami at kasama ko kaibigan .
Pupunta kaming landmark kasi may kailangan akong bilin para sa bago kong work.
Jhed: tara na bilin na natin yung blazer
Ako: ako na kaya ko na
Jhed: anong sinasabi mo?
Ako: AKO NA KAYA KONA SANAY NAKONG WALA KA , NAMAMASYAL NA NGA KO MAGISA LAGI KA NAMAN WALA DIBA?! SANAY NAKONG UMALIS MAGISA AKO NA BIBILI AKO NA KAYA KONA! (pero hindi ko yan sinabi ng pasigaw sinabi ko yan ng naiiyak ako)
Jhed: o sige dito kalang ha, ako na magtatanong sa sales lady kung ano yung blazer at ako na bibili
Ako: Hindi mo nga alam yon!
Iniwan niya ko naghanap nga siya umikot ako at bigla niya kong nakita .
Jhed:gusto mo bang t-shirt?
ako:ayoko !
Jhed: nahanap ko na yung blazer , tara isukat mo .
ako: ako na nga. ayoko na ng tulong mo
Jhed: diba nagusap naman tayo kaya ko naging busy diba? sorry na dun .
Naiintindihan ko yung reason kung bakit siya busy . Pero may mga times na para bang wala na lang talaga kami. Dumaan yung monthsary namin na bati lang ang narinig ko maaccept ko na di kami nagkikita that time kasi finals niya. Pero talaga bang masaya naba talaga ko sa bati lang? Binati ko nalang siya at dinako nagreply. Kaya para bang natatamad nako sa anong meron kami. Masaya na nga lang ako makipaginuman kasama mga kaibigan ko . Hind ko a makuhang ipaliwanag sa kanya lahat , kasi gusto ko rin malaman niya in his own . Pero hanggang ngayon alam kong hindi niya parin magets.
Masaya pa ba ko?
Hindi ko alam, hindi ko alam paano ba sasagutin yung ganyang statement. Hindi ko alam kung asan yung excitement sa tuwing alam kong andyan sa amin dinadalaw ako. Hindi ko alam kung masaya ako . Kasi the feeling is normal as in NORMAL.
















