Ano ba talaga Kuya?
Lately, daig pa natin ang celebrity sa dami ng nagatatanong kung ano na ba talaga ang status nating dalawa. Bakit? Kasi naman lahat nakakahalata na sa ating kakaibang "closeness." At sa tuwing may nagtatanong sa akin ang isinasagot ko ay consistent na, "Hindi po kami." Eh sa hindi naman talaga tayo! Bakit naman ako magkakalat ng isang bagay na mismong ako ay nalilito. Hindi ko naman talaga alam kung ano ba talaga ako sayo. The safest way to answer their questions is to deny.
Sa tinagal-tagal ng pinagsamahan natin (in fairness it has been 6 months after that fateful night when I've "asked" you), medyo marami-rami na rin naman tayong naranasan at pinagsamahan. Mga bagay na nagpalago at nagpatibay, if I may say, ng ating friendship. Mga bagay na lalong nagpalapit sa iyo sa aking puso, mga bagay na nagpahulog lalo ng loob ko sayo. Naks! May ganun na ngayon! Haha!
At sa tagal ng panahon na yan, bagamat less than one year pa lang, masasabi kong talagang nag"level up" na ang ating friendship. Pinapahiram mo na ako ng Ipod mo, na dati hindi mo naman ginagawa. Napakilala mo na rin ako sa Mommy mo. Nakilala mo na rin ang kapatid at mga pinsan ko. Nag-"exchange gift" na tayo nung Pasko. May mga sikreto kang sinasabi sakin na alam kong sa office eh ako lang ang nakakaalam. Ina-update mo ako ng mga pangyayari sa buhay mo kahit na hindi naman na dapat, kasi hindi mo naman na obligasyon na gawin yun. Yan at ang marami pang mga bagay nating pinagsaluhan at pinagsamahan. Magmula sa sabay na pagbreakfast hanggang sa sabay na pagdinner, pagkikita kahit rest day, pagsisimba pag Linggo, pagmo-mall together. Di ko na mabilang na memories sa maiksing panahon na yan! Basta!
See, super close tayo na lahat nagtataka bakit hindi tayo. Hindi naman ako magcoconfirm kasi wala naman akojng icoconfirm. Hindi naman ako gaya ng ibang mga babae na nalink sayo na mga feelingera noh. Hindi ko aariin ang isang bagay na hindi naman akin. Masasabi ko lang na akin ka na at may karapatan na ako sayo if and only if sayo mismo manggagaling yun at kung iakw mismo ang magbibigay sakin ng karapatan para dun. Pero hangga't wala ka kahit na verbal confirmation man lang, mananatili lang akong nakaantabay at hinding-hindi magfee-feeling.
Kaya ang tanong ko sayo, ano na ba talaga ang status nating dalawa? Kung may isang taong nakakaalam nyan, IKAW LANG yun, wala nang diling iba pa.















