Pano kayo naging close ni chy?
Nagsimula 'yan sa pagiging fan ko lang siya, tapos swerte niya kasi naging magkaibigan kami ni Yssa't pinakilala niya ako para maging close siya sa idol niya... Tapos ibinigay ni Yssa ata o ni Mildred number ko sa kanya, kasi syempre, hiningi niya... Gwapo ako e kaya kinailangan niyang hingin. Hindi ako, fan ko lang siya. Idol niya ako't crush.
Tapos, isang araw nagtext siya... Parang nag-hello lang ata tapos may smiley face. Reply ko sa kanya, question mark lang. Kasi suplado ako. Bakit kamo? Kasi gwapo ako. Nandito pa nga 'yung usapan naming 'yun. 'Di ko pa binubura para may remembrance siya kasama ng crush at idol niya. Tapos... Minahal niya ako. 'Di ko inasahang magmamahal ako ng normal na tao. Tipong 'di ko ka-lebel. Mas mababa pa sa tinatapakan kong sahig. Tapos niloko't sinaktan lang niya din ako sa dulo... Pero ok lang. Hiniling ko nalang na sana 'di siya grumaduate. Joke.
Tapos naging ok na ulit kami. Magkaibigan. Ok lang sa akin, kasi doon naman laging nagsisimula at nagtatapos ang lahat. 'Di ko lag alam kung tapos na o panibagong simula... Pero bahala na. Isang gabi, inaasar ko siya't tinataboy. Humagulgol daw siya no'n kasi magkausap daw sila ni Yssa at nagulat si Yssa. 'Yun pala, ayaw niya lang ako mawala sa buhay niya noong ako naman ang mang-iiwan sa kanya. Mahal niya ako. Sobra pa sa magkaibigan. Sobra pa sa bestfriends... At lalo na, sobra pa sa magsyota. Mahal niya ako bilang kapatid. Mahal ko rin naman siya bilang kung ano man kami. Pero masaya ako na 'di niya kayang mawala ako sa buhay niya kasi parang nawala din ang lahat sa kanya.