Isang buwan.Sana.Nung.Akala ko.Yung panahon.Mawawala.Sana
Isang buwan na pala kaming hiwalay.
Isang buwan na din pala after nya kong iwan.
Di ko man lang namalayang wala na pala kami,
nung huli ko syang nahalikan,
nung huli ko syang nayakap,
nung huli kaming naglambingan.
Lahat pala nang iyon ay huli na.
Akala ko may 2nd round pa,
Akala ko may 2nd kiss pa,
Akala ko mauulit pa ang lahat.
Kasi huli na pala talaga ang lahat.
Sana bumalik na lang lahat sa dati.
Yung panahon na kakaumpisa pa lang ng friendship natin.
Yung panahon na nasa tabing dagat tayo at nagkekwentuhan patungkol sayo at sa akin.
Yung panahon na sabay tayong bumalik ng Maynila.
Yung panahon na parehas tayong masaya sa kanya-kanyang buhay at ginagawa natin.
Yung panahon na naglalandian tayo sa text.
Yung panahon na naiinlove na pala ako sayo.
Yung panahon na sinagot mo ko.
Yung panahon na sinasabi mong mahal mo ko.
Yung panahon na ako lang ang mahal mo.
Yung panahon na nagtatawanan tayo.
Yung panahon na akala ko hinding hindi na matatapos yung kasiyahan natin.
Yung panahon na akala ko totoo lahat ng sinasabi mo.
Yung panahon na naniwala akong mahal mo ako at hindi mo ko iiwan dahil sabi mo tatagal tayo ng 5 years.
Yung panahon na unang beses mong hinawakan yung kamay ko.
Yung panahon na sobrang kilig na kilig ako sa mga ngiti mo.
Yung panahon na ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo sa simpleng init ng yakap mo.
Yung panahon na kung saan ipinagdiwang natin yung birthday nating dalawa.
Yung panahon na sobrang saya natin dahil common pala yung trip natin.
Mawawala lang pala sa isang iglap.
Mawawala pala ang lahat sa isang buong pangyayari na pareho nating hindi alam kung ano at bakit.
Mawawala na lang pala ng ganon-ganon na lang.
Maglalaho pala yung mga ngiti sa ating mga labi.
Mawawala pala yung mga pangako mo na magiging masaya ako at hindi mo paiiyakin.
Mawawala ka na lang pala bigla kasama ng mga masasayang alaala natin.
Sana na lang pala hindi na lang naging tayo.
Sana masaya pa din tayo sa mga ginagawa at kanya-kanyang buhay natin noh?