“Right place, right time, and there you are.”
That was the day I've been thinking of for the past week.
First time to handle and process Shop TV orders independently.
Alam ko naman na kaya ko. Pero syempre iba parin yung pressure kapag mismong nasa office ka na at nag-hihintay sayo lahat ng couriers.
Every courier is may cut-off so I have to maximize my time.
Phone calls plus pick-up and emailed urgent orders, nakakataranta.
Kinabahan ako nang konti dahil akala ko hindi ko na matatapos at masa-submit lahat.
Ayokong ma- disappoint ang supervisor ko. Not this time. Malapit na akong ma-regular sa trabaho kaya importante sakin na maging successful ito.
Dumating ang alas-tres ng hapon at natapos kong i-process lahat ng orders nang maayos. Salamat sa Diyos at kinaya ko.
Block Screening with Kimmy
Pagkatapos ng pressure sa trabaho, magkahalong excitement at kaba naman ang sumunod kong naramdaman. After office, dumiretso ako sa Gateway Mall sa Cubao kasama ang kakambal ko, si Carlo at si Nanay. Magkakaroon kasi ng blockscreening ang Kimerald 4ever para sa DOTGA ni Kim.
Hindi namin maintindihan kung anong pwedeng maramdaman dahil hindi kami sigurado kung magtatagal ba si Kim doon o katulad ng dati ay aalis din agad. Ang dami kasi naming inihandang regalo sa kanya. Na-stress kami nang very light dahil rush lahat and sobrang nakakapanghina 'yun kung lahat mababalewala.
But as always, God is good.
As we arrived at the cinema, everything seems surreal. As in, parang hindi totoo lahat. Para bang paalala sa isang palabas, ANG MGA SUSUNOD NA EKSENA AY NAKAKAPA-NGINIG NG LAMAN. Haha!
We have prayed and waited for that moment our whole fan-girling life. This is what we're talking about.
After a decade and 2, finally!!! Kilala na niya kami! haha!
Nakausap namin si Kim. Nayakap. Naka-kwentuhan. Nakipagbiruan sa amin dalawa ni Janette. Parang tropa lang na nagkita-kitang muli.
Sobrang solid nung mga moments na 'yun. I don't think I can put into words every single thing that has happened that night.
Para kaming naka-lutang sa cloud9. Only die-hard fans could understand how's the feeling.
We felt loved and appreciated by the person whom we admired for so long.
Grabe nung dumating siya hanggang magpaalam, para akong na-stack up. Hindi ko alam kung anong unang gagawin. Parang gusto ko na lang siyang titigan kasi alam kong maya-maya aalis din siya.
Nung nagpapaalam na siya, sobrang we still want more of her. Yung gusto namin siyang pigilan umalis pero hindi kami makapagsalita.
Para bang sobrang chill namin physically, pero deep inside, gusto na namin sumigaw.
Sa bawat pagdampi ng mga kamay niya sa amin, sa bawat pagtawag sa aming dalawa, hindi namin malaman kung paano ipapaliwanag kung gaano kasarap sa pakiramdam,
Sabi nga ni Kim samin, “See you again.”, sabay yakap.
One word lang talaga ang nasabi ko after that, “Thank you”. Sobrang saya ng puso namin.
Kalma lang kami pero we can no longer contain the feeling, kaya siguro tumulo na lang bigla sa mga mata namin ‘yung kasiyahan na hindi na makayang i-ngiti ng mga labi.
As we were heading home, we just realized na right timing lang pala talaga.
I could finally call it a day.
An unforgettable day, indeed.