Hindi ko tatapusin ang madaling araw o gabi whatever na ito na hindi ko naib-blog yung prom ngayong taon. Kasi last year, disappointed talaga 'ko sa prom kaya ayoko nang sumama (sana) ngayong taon. Ang sama ng pagkain nila tapos badtrip pa dahil wala akong kapartner sa red carpet (wala rin akong mga kaibigan nung panahon na yon sadlyf huhu). Akala ko ngayong taon, madi-disappoint ulit ako pero hindi kasi may mga kaibigan na 'ko ngayong taon HAHA! Medyo sulit yung 600 pesos na ibinayad namin. Medyo lang kasi: •Hanggang 1:00 AM lang kami ngayon (dati 2:00 😒) •Wala yung prom king last year (main reason kung bakit ako sumama loljks) Masarap na yung pagkain. LALO NA YUNG GULAY! Buti na lang at wala akong natagpuang ipis don (Giligan's na ituuu 😂) Tapos may partner na 'ko sa red carpet. Hihi tuwang-tuwa ako nung sinabi ni Niel na "ako na nga partner mo" kahit na medyo napilitan yung tono (di daw sya napilitan. Ayoko sa napipilitan 😝) Tapos mabilis lang yung program. Medyo maaga yung dinner tapos yung pageant, maikli lang. Talagang mabilisan para masiyahan "sila" na magsayaw. Pero nakaka-disappoint talaga na si Amadeo ang nandon imbis na si kuya Yves (hahahaha k) At nakaka-disappoint din na kung kailan ako nag-enjoy (kahit na hindi ako sumayaw ng slow dance ganern) saka tinapos ng maaga :(( sana po last year nyo ginawa yon, natuwa pa 'ko. Nanghuhuli lang rin kami ng mga INC na sumasayaw ng slow dance. HAHAHA ang saya pala. Nakaupo lang kami nila Mharhei at Genesis sa isang table tapos sila, kumakain ng pansit, ako lumalagok ng iced tea tapos kapag may dadaan na kapatid na magsasayaw, pipicturan namin para may ebidensya kami pag nag-ulat kami ganon HAHAHA Masaya nga din pala kahit na mga iskandalosa yung mga kasama namin sa table (gara, malen, roman 😂) Ayon, masaya talaga. Pero bitin. At wala kaming roller coaster :(( 😂