Bonding with these 2 kiddos. Have fun at moa. Thank you @jshrms and @creyaquino :)))) #jshrms #creysosyomo
seen from Germany
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Romania

seen from France
seen from United States
seen from Cayman Islands
seen from China
seen from Yemen
seen from China
seen from Canada
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Malaysia
seen from Albania
seen from China
seen from United States
seen from China
seen from Russia
seen from Norway
Bonding with these 2 kiddos. Have fun at moa. Thank you @jshrms and @creyaquino :)))) #jshrms #creysosyomo
Nakakamiss
We ♥ Kugars! feat. Kambal Josh (sana basa, e no? HAHA)
Para kina Kaye, Josh, Kev, Crey, at Miggy,
Online check?
Una iisipin niyo marahil kung bakit ako napasulat. Bukod sa nasabihan kaming ganito ang tema, nais ko talagang sabihin sa inyo ang nasa isip at puso ko. Hindi ito para kina Kaye, Josh, Kev, Crey at Miggy lamang kundi para sa lahat ng magkakaibigan na ang kalaban ay ang lokasyon.
Follow.
Nagsimula ang lahat sa simpleng follow button. Nagsimula ang lahat ng binuksan ko ang inyong mga blog na kasalukuyang may URLs na gkayeespinoza, jshrms, yuanlance, haistnako at creysostomo. Hindi natapos sa pag-follow ang samahan natin. Matagal-tagal pa bago nabuo ang ating samahan. Araw, linggo at buwan pa ang binilang bago tayo naging sobrang close na magkakaibigan.
O diba, nang dahil kay Ginoong David Karp, nagkaroon ako ng limang maliligalig na matalik na mga kaibigan.
Kayo ang best friends ko. Kayo ang nagsisilbing kasama ko sa bawat araw na masaya ako, malungkot, nag-iisa, baliw at samu’t-sari pa. Alam niyo namang sa inyo lagi ako tumatakbo sa tuwing may problema ako.
Hindi lamang pang-mag-syota ang LDR o long distance relationship.
Alam kong mahirap na ang magsisilbing best friends mo, malayo sa’yo. Best friends tapos nasa ibang lugar? Ano ito, lokohan? Pero naiisip ko pa rin na pwede din pala, na ang mga taong malayo sa’yo ang magsisilbi mo pang kaagapay sa lahat. Iba-iba ang lugar na pinanggalingan natin. Ang nakakatuwa pa, hindi pa tayo nagkikita. Pero sabi nga nila, pag gusto, may paraan.
Check blogs.
Naalala mo ba Kaye noong nagtanong ako tungkol sa condom? Maya-maya, may response na agad galing sa isang babaeng galing Canada. Na-attract agad ako sa kanyang ngiting nakaka-akit, ngiting nakakahalina at utak na puno ng istorya. Doon nagsimula ang lahat. Nagkausap na tayo halos araw-araw. Kalaban pa natin ang oras kasi gabi sa Pilipinas pagkatapos umaga diyan sa Canada. Mahirap ituloy ang ating pagkakaibigan pero nai-push pa dahil masaya tayo sa isa’t-isa.
Nais kong magpasalamat dahil sa panahong malungkot ako, nariyan ka para kausapin ako agad; nariyan ka para itanong agad kung anong maitutulong mo; nariyan ka para ipakita ang pictures mong nakakatawa at bago matapos ang araw, nakangiti na agad ako.
At sa totoo, crush talaga kita.
Pero hindi ko naituloy ang pag-crush sa’yo dahil sa aking kinakapatid at ka-kambal na si Josh. Si Josh na umalis sa Tumblr ngunit bumalik at tinanggap ko ng buong-buo. Skype pa lamang, utas na kami. Kahit sa Qatar ka pa galing, pinaramdam mo sa akin na may makakasama akong kapatid sa tuwing may nais akong ibahagi.
Naalala mo pa ba noong nag-aminan tayo na crush natin pareho ang best friend nating si Kaye? Diba noong panahong iyon, nagkaroon tayo ng kasunduan na hindi siya popormahan. Awa ng Panginoon, natupad naman natin iyon. Salamat na lamang at nagka-unawaan tayo.
Nadagdag pa sa ating samahan ang singer na si Kev. Hindi mo pa ako fino-follow back noon kaya naiinis ako. Ay, follow back lang pala ang habol. Pero matapos ay okay na at naging close tayo kahit nariyan ka sa Tuguegarao na nahihirapan ako i-spell hanggang ngayon.
Wala akong sawang makinig sa mga joke mong korny, sa mga kanta mong nakaka-insecure ng boses, sa mga banat mo na nakaka-hatak ng atensyon at sa mga payo mo na hindi mo aakalain na mang-gagaling sa isang taong ang alam lamang ay tawanan ang mundo.
Aba at mula parin diyan sa Tuguegarao, sumulpot ang pinakamatagal ko nang kakilala pero hindi close na si Miggy. Oo, ikaw Miggy na masayang masaya sa love life, ang tanging may love life sa atin. Pero lahat may katapusan pero pinaramdam namin na kami ang tunay na nagmamahal sa’yo. Ay, masyadong makasarili. Nayayabangan pa naman ako sa iyo dati hanggang sa nagkausap at text na tayo.
Nabigla ako noong napasama ka sa grupo kasi matagal ko nang nais kang makasama sa grupo. Buti na lamang, buti na lamang at pare-pareho tayo ng trip. Yun nga lang, pag may kaaway ka, wag ka laging magsususmbong kasi ako ang nagmumukhang masama dahil narito ako para ipagtanggol ka, dahil kaibigan kita.
Ang pasayahin ako ang hindi nakakalimutang gawin ni Crey ng Laguna. Alam mo namang nakakausap nadin kita, at close na din agad kita. Sa text, lagi na lamang may kalandian kang kwento, at magbabahagian tayo ng mga joke na korny. Sa tuwing may problema ako at problema ka, isang text lang, magu-usap na agad. Ikaw ang pinaka-fresh na naging bestfriend ko, sa ating grupo. Pero naroon parin ang saya kasi hindi ka takot na sumabay sa amin kahit alam mong bago pa lamang at matagal na ang samahan naming lima pa. Diyan kita hinahangaan, sa tapang at galing mong makisama.
Maraming salamat sa inyo, sa inyong mga kaibigan ko. Kahit pa galing Canada, Qatar, Tuguegarao at Laguna kayo, pakiramdam ko malapit lang kayo sa akin. Pakiramdam ko sumigaw lang ako mula sa aking kwarto, makakatakbo na agad kayo para kausapin ako. Inspirasyon ko kayo para pasayahin ko ang sarili ko.
Kayo ang nagsisilbing lakas at ligaya ko.
Pero ang awkward ng liham na ito dahil never pa tayong nag-dramahan at nag-seryoso at yan ang gusto ko sa inyo. Hanggang sa susunod na blog post, tweet, Skype at text ulit, mga best friends.
Ang inyong minamahal,
Eythan
Bakit ba ako nag-BlackBerry?
Doing this post kasi nag trend to sa dashboard ko. Nayayya.
Oo, nahiwagahan agad ako noong una kung anong meron sa BlackBerry. Karamihan kasi ng Tumblr friends ko may BB tapos kahit anytime, nakakapag usap sila so sabi ko bibili ako ng BB bago matapos ang 2012.
Kaya talaga ako nag-BB kasi una ayaw ko na palihim na naglalandian ang dalawa kong bestfriends, sina Kaye at Josh. As we all know na BB users sila. Tapos sabi ko bibili din ako para maka-join ako sa landian para threesome kami. WAHT. De kasi gusto ko kausap lagi ang dalawang iyan.
Pero dahi lsa lecheng pinagdaanan ko, nahirapan akong bumili. December yun eh, panahong one month ako nag-hiatus sa internet kasi nga may pinagdaanan. Waht. Tapos ayun, gamit ko yung BB ni Ninang, inadd ko agad yang dalawa kong bestfriends. Medyo nakakalito pa noong una kasi nga yung BB ni Ninang, naka-plan tapos gumawa ako BB account e kay Ninang yun e sakin nakapangalan. Hahah shit.
And then after nun, ni-delete ko na sila kasi binalik ko na BB ni Ninang until nagkaroon na akong sarili kong Baby! OMG. Tapos si Kaye Andres at Wenz una kong contacts OMG. HAHAH. Tinuruan nila ako ng basics tapos etong si Andres e itinuro yung nailaw na parang Christmas light na puro voice note kami tapos eh naka-save pa siya sakin. HAHA.
Tapos dumami na contacts ko na taga Tumblr, mga Indonesian, mga Kano, mga terorista! Tapos eh ayu, magastos, kailangang pag-ipunan ang BB Social.
Kaso habang tumatagal, nagsawa na ako. twitter nalang ang gamit ng BB ko. HAHAH. Tapos boring ng apps, buti may tablet kami at laptop, nakakapag-go pa ako.
Masaya naman magkaroon ng BB eh, yun nga lang, nakakairita. Ayun nga, lalo na yung LED lights na blink nang blink na nakakainis.
Hello Miggy, Josh, Kev and Crey!
Happy graduation sa inyo! Konting kembot nalang at college na din kayo. Naiwan na natin si Kaye. Okay lang, kita niyo naman sa photo na masaya na kami ni Kaye kasi successful na ang buhay namin. HAAHAHAHA Joke diba Kambal. HAHAHAH.
Basta eh kung saan man kayo papapasok at ano man course niyo eh panindigan niyo kasi hindi lang apat na taon niyo dadalhin yan kundi habambuhay. Ayaw niyo naman maging underemployed, diba?
Si Josh kasi diba ang alam ko e Engineering. Alam kong keri mo yan kasi Engineer ang Papa mo diba? Sunod lang ng yapak. Matalino ka naman eh, slow lang pero keribles. HAHAHAHHA. Labyu Kambal.
Ikaw naman Kev, alam kong in line sa music ang kukunin mo pero di ko parin sure kung ano nga ang kukunin mo. Sayang din kasi kung yung gusto mo ang kukunin mo pero depende yan sa'yo. Flexible ka namang tao at nasa lahi natin ang matatalino. HAHAHA.
Tapos Miggy at Crey na hindi ko alam kung ano ang plano sa buhay, aba'y sabihin na samin, waht prents lang. AHAHHA. Basta e kaya niyo yan at nasa lahi natin ang magagaling. Char. Basta narito lang kami susuportahan kayo.
At kay kaye naman, pag graduating na ang message mo kasi alam ko namang susuportahan mo kami sa college life namin HAHAHAHAHHAHA. labyu bos$.
Basta sa pag-apak niyo sa college, maghanda na kayo sa pagpupuyat, requirements, exams, pressure at kung anu-ano pa. Sobrang iba ng high school sa college. Hindi tulad noon na pa-happy happy with friends na parang mga bata. Dapat my priorities na kayo. Kita niyo naman ang hirap ko diba? AHAHHAHAHA. Basta eh mag-aral mabuti. Dapat pare-pareho tayong may honor, CUM Laude. HAAHHA.
Enjoy your life to the fullest :)
PS: Ingat sa night life at sex life ha? HAHAHHA
Hi sis, happy friendsary sa inyo. HAHAHA
Luh. HAHA. Salamat daw sabi ni Josh. Haha.
Happy 18th year of existence :)
"then the LORD God formed the man of dust from the ground and breathed into his nostrils the breath of life, and the man became a living creature" (Genesis 2:7)
Una sa lahat, memorable ang araw na ito dahil kasabay ng birthday ko ay ang pag-baba ni Pope Benedict XVI sa pwesto niya. Hindi ito simula ng pagbagsak ng Simbahang Katolika nagkus simula ng isa pang bagong henerasyon para magbalik loob ang lahat sa Panginoon :)
Sobrang thankful lagi ako tuwing umaga at gabi, tuwing magdadasal ako kasi isa ako sa milon-milyon sperm cells na naka-survive at nabuhay para maging si Jonathan Tapay Ibuna. Nagpapasalamat ako kasi ni-redeem tayo ni Jesus at ngayon, tuloy-tuloy ang buhay natin. Higit pa, masaya akong hanggang ngayon, nabubuhay pa ako, 18 years na.
Hindi naman ako yung tipong nireregaluhan ang sarili. Hindi ako yung tipong kapag nakaktanggap ng biyaya, sa akin lang. Hindi yung mananalo ako, sa akin lang. Siguro 10% sa akin lang. Parang sa ganito, hindi ako yung tipong magce-celebrate ng birthday na para sa akin lang. Moreover, mas gusto kong i-celebrate ang birthday ng ibang tao. Mas feel ko lang.
Naalala ko yung tweet ni Inay Louie (lakandula) tungkol sa pagiging mabuting kaibigan ko. Natuwa ako non. Tapos yung sabi sa Horoscope ko (ironic na I stay tune in Horoscope and read the bible) e ako daw yung tipong gagawa ng paraan para sa mga kaibigan, kahit sa sarili ko, hindi ko magawa.
Lumalayo na yung essence ng post na ito. HAHA. Ayon, magpapasalamat lamang ako sa mga taong naging parte ng pagce-celebrate ko ng labinwalong taon sa mundong ibabaw.
Sisimulan ko muna sa Panginoon kasi dahil nga sa aforementioned, siya ang dahilan ng lahat ng ito. Na nagpapasalamat ako dahil nagkakilala sina Mommy at Papa kaya nagkaroon ng Eythan sa mundong ito, kahit isa akong salot sa lipunan ay ano daw para kunyare madrama. HAHAHA.
Sa Family ko. Kina Mommy at Papa na ang-aruga sa akin. Na nakakapasok ako sa maaayos na eskwelahan simula noong Pre-school hanggang ngayong kolehiyo. Tapos yung kahapon, ipinag-blowout pa talaga para sa classmates ko na so elementary. Hahaa. Pero mahal na mahal ko sila. Kay Ate at james Travis na binati ako kahit labag sa loob nila kasi nga ang awkward. HAHAHA.
Tumblr/Twitter/Facebook/Cyber moment.
Salamat muna sa aking mahal (char ang korny HAHA) na pinaka-unang bumati sa akin. Ayon, basta alam mo naman mahal na mahal kita. Ayon, wag nang madrama minsan. Haha. Birthday ko tapos nag-away. Haha. basta labyu.
Kina Neil at Ronald na unang nagpost ng special post sa Tumblr. Ayon, kayo talaga pinaka chever friends/kapatid ko na sa Tumblr. Tapos basta, salamat. Kitakits nalang this summer ha? Enjoyin natin ang libre ni TP. HAHAHA.
Sa private videos nina Josh, Kaye, Cha, Miggy na naka-compile. Utas lang kakatawa sa messages niyo. HAHAHA.
Kina Kaye, Josh, Kev, Miggy at Crey. Na laging nariyan kahit hindi ko birthday, na kahit ako ang pinakamatanda sa atin, nyeta kayo, pasalamat kayo mahal ko kayo. HAHA. Sana magkita-kita na tayo :3
Sa mga nag-effort na magbigay ng birthday post: Neil, Soco, Sam, Yhen, Jrel, Bianca, Zhel, Cha, Jane, Miguel, Kev at Klai. Super appreciated ang words, videos, kanta at pagmamahal niyo :3
Salamat din sa long sweet na TAs at fanmails na nakahakot ng atensyon ko. Pinili ko sila dahil talagang nakakakilig ang messages nila. Kina jhapepe, mysweetestrevengeforyou, eisnerstory, justinpluggedin, buhaypayat, leyyowww, mikanggutom, kinakharlokohan, pogingarkitekto, carlomariano, margsnificent, italiananghilaw, angmagulokongmundo, boytigyawat. At sa iba pang nagpadala ng pagbati thru TAs and Fanmails!
Pati na rin sa nagpadala ng tweets nila at Facebook greetings! Pati calls at texts! Sorry kung no mentions kasi sobrang dami niyo. HAHA. basta alam niyo na yun, mahal na mahal ko kayo :) ♥
Basta salamat po sa lahat ng bumati noong birthday ko at nagbuo ng araw ko. Sobrang masaya ang araw ko kasi kayo ang kasama ko. Sana samahan niyo ako sa mga susunod pang birthdays :) I loveyou all :) ♥
- pakyueythan