Pinaalala kasi ni brother chinitongnakangiti sakin eh. HAHAHA.
Mag kukwento muna ako.. :)
So ayun, medyo familiar siya sakin bago siya pumasok sa PBB house dahil nga otaku ako n'un at fan ng cosplay, hindi ko pa siya ganun kilala nung PBB at na-excite akong malaman na may cosplayer na sasali. "Ang Cosplay Cutie ng Iloilo". Naalala ko nung first day niya pa lang sa bahay as in na love at first sight ako.
Na sa mga gms ko, siya lang 'yung laman, tapos nakatag pa nga siya lagi ng "#Myrtle" (mga 1 year ko rin siyang naging laman at tag sa gms). Tapos lahat inalam ko sa kanya, mga simpleng bagay, naging parang stalker nga ata ako.
Lagi ko rin siyang pinagtatanggol kasi nga ang dami niyang issues sa PBB house, at syempre, tuwing nano-nominate siya, binoboto ko siya para maligtas (marami rin akong gastos dun ah XD) at hanggang Big Night, bumoto ako for her. Hanggang paglabas niya ng PBB house, suportado ko siya. Dapat nga kasama ako ng Meet-up niya kaso wala akong pera nun HAHAHA.
May mga friends din akong cosplayers na naging groupmates ni Myrtle sa cosplay at kilala siya sa personal. Isa siya sa mga inspiration ko kung bakit gusto ko magcosplay (matagal ko nang pangarap ang magcosplay). Nanonood pa nga ako ng Todo Max tuwing Sabado ng gabi dati eh. HAHAHA.
Basta ayun, updated ako sa kanya, 'di ko nga lang siya napapanood sa Hero TV dahil wala kaming cable.
Tapos eto 'yung pinakanakakainis na-encounter ko sa lahat ng haters niya ...
September 14, 2013, around 1-2 PM, SMX Convention Center, Manila International Book Fair, kasabay ng Best of Anime Expo. Nakapila kami ng friend kong si Darla kasi magpapapirma kami ng libro namin ng 3W8L tapos may babae sa pila, Yolly/Yollie 'yung pangalan niya sa pagkakatanda ko.
Kasi nagsigawan 'yung mga tao sa taas, sa BoA Expo, dumating na raw si Myrtle. Tapos 'yung Yolly/Yollie ('di ko sure 'yung spelling) na 'yun, nag-bash/nag-rant kay Myrtle. Na ampanget daw ni Myrtle, maarte, na hindi niya raw gusto at kung ano-ano pang pangkukutya kay Myrt.
Sanay na akong makarinig ng ganun pero sobra talaga 'yung mga pinagsasabi niya kay Myrt n'un. Sabi nga ni Darla sakin, awayin ko na raw HAHA. Sabi ko 'wag, babae pa rin 'yun kahit inaaway n'ya si Myrtle.
Tapos ayun, medyo na badtrip ako sa kanya at hanggang ngayon hindi ko makalimutan 'yung babaeng 'yun ultimo itsura niya. HAHA. Nakikita ko nga 'yun sa Wattpad community, 'di ko na lang pinapansin.
Kung ayaw niya kay Myrtle, okay lang, wala namang sinabi si Myrtle na gustuhin siya n'un. XD
Last na kita ko kay Myrtle ay nung sa Singing Bee. One day alam ko magkikita kami in person, baka 'pag artista na ako. XDDD