Page 54 of 365
Ang sarap naman kasi sa feeling na minamahal ka ng kung ano ka at kung sino ka. Yung hindi ka na didiktahan na dapat ganito ka, dapat ganyan ka para mahalin ka. Yung wala nang kailangang requirements para mahalin ka talaga. Ganyan ang pag-ibig. It is against all odds; it is against all imperfections. Ika nga ni Ma'am Pebre, "Love is not loving the perfect person but loving the imperfect person perfectly." Si Jesus lang ang perpektong tao na mamahalin ng sangkatauhan, other than that, wala nang ibang perpektong taong nag-eexist sa mundong ito. Kaya walang karapatan ang mga taong maghanap ng perpektong tao na mamahalin nila. Nobody's perfect, diba? It's the reality that we should face. Kapag nakahanap na tayo ng mamahalin natin, magpasalamat na lang tayo na meron na. We should be contented of what we have. Buti nga nabigyan ka pa ng mamahalin eh, ung ibang tao, hanggang ngayon, mag-isa pa ring umiibig, nag-aantay ng right one para sa kanila. Kapag nandyan na, pahalagahan mo na lang. Wag mong ipamumukha sa kanya na hindi siya ang dreamgirl or dreamboy mo. Oo may kanya-kanya tayong dreamgirl/dreamboy, pero kaya nga DREAMgirl/boy eh kasi hanggang dreams na lang natin. Madalang na lang mangyari na mapapasayo ang dreamgirl/boy mo. Mapalad ka kung isa ka sa kanila. Napakaswerte mo, at for sure, kaiiinggitan ka ng marami. Pero masama ang mainggit, diba? Hindi ka dapat mainggit, matuto kang mag-appreciate ng mga bagay-bagay. Wag mong sayangin hangga't nandyan pa at nag-eexist. Nasa huli ang pagsisisi. It happens to us all the time. Matuto kang magpahalaga habang nasa'yo pa ang mahal mo, hindi ung malalaman mo na lang ang worth niya kapag wala na siya sa'yo. Matuto kang magmahal nang walang hinihinging kapalit. Kung gaano ka-imperfect ang mahal mo, tapatan mo ng pagmamahal mo, love him/her as perfect as you can. Higitan mo yan sa pamamagitan ng pagpapakita mo na you really love him/her.
Minsan din naman kasi, hindi mo mararamdaman na pinapahiwatig sa iyo na dapat ganito ka, dapat ganyan ka. Minsan mapapansin mo na lang sa mga kilos o kaya sa mga sinasabi niya. Oo, sasabihin nila na hindi ganyan ang ipinapahiwatig nila, na hindi iyan ang gustong maisip ng taong mahal nila. Pero nandoon kasi yung sense, eh. Syempre makakaramdam dun ng konting kirot doon. Nandoon ung pagpapahiwatig na "ang imperfect mo, hindi ikaw ang type ko naman talaga, gusto ko ganito ka, gusto ko ganyan ka." Minsan magpapakasensitive ka din sa mga ganyang bagay. Minsan hindi mo maiiwasang maging guilty sa simula. Ganiyan naman ang nature ng tao eh. Sa una, hindi mo matatanggap. Pero as time goes by, maghihilom din ang sugat na iyan; marerealize mo rin na kaya niya ipinapahiwatig iyon ay dahil may mali din naman sa isa sa mga imperfections mo. Pero mali din kasi minsan. May valid reason din naman ang mga bagay bagay kaya nagiging imperfect sa ganoong paraan ang isang tao. May mga matitibay na dahilan din kung bakit nananatili pa din sa kanya ang personality na iyon. Pero wala na rin naman tayong magagawa kundi tumanggap at tumanggap dahil iyon ang nakikita nila sa atin. Mabuti na nga din iyon para maramdaman din naman natin na may mali talaga sa atin. Pero sa pagmamahal din naman, may responsibilidad tayong tumulong sa problema ng mahal natin. Kahit iparamdam lang natin na hindi sila nag-iisa lalo na sa mga panahong napanghihinaan sila ng loob dahil sa naramdaman nilang may mali sa pagiging imperfect nila. Maipaparamdam din naman nating mahal natin siya kung tutulungan natin siyang magbago para sa ikabubuti niya, wag yung hahayaan lang natin siya sa sarili niya na magbago siya. Syempre kaya nga siya ang pinili mong mahalin kasi handa mong gawin ang lahat, maiparamdam mo lang na mahal mo siya. Ipakita mong hindi siya nag-iisa. Ipakita mong siya talaga ang mahal mo. Ipakita mong hindi mo siya iiwan lalo na sa mga panahong mahina siya.
Pero ang mahalaga naman kasi talaga, kung ano man siya, o kung sino man siya, dapat tanggap mo. Hindi man siya si Maria Clara, o kaya si Princess Bubblegum, o kaya si Bella Swan, o kaya si Hermione Granger, o kaya si Hazel Grace Lancaster o kaya si Clarissa Fray; hindi man siya si Christian Grey o kaya si Edward Cullen, o kaya si Marcelo Santos III, o kaya si Mario Maurer; siya pa din ang nag-iisang *insert name of love one here* na pinili mong mahalin despite of his/her imperfections, at pinili mong mahalin nang walang hinihinging kapalit na naaayon sa gusto mo. That is love. It never expects. It always gives.












