Ayokong nakikita na nasasaktan yung mga kaibigan ko.
Ang gusto ko kasi, kung may magmumura, mananapak, mang gagantyo, mangungurakot at mangtritrip sakanila, ako lang. Kasi kahit masugod man kami sa ospital sa kaka wrestling, alam kong normal lang yun samin, na nagkakatuwaan lang kami, na mahal pa rin namin ang isa't isa kahit na pumutok na yung mga nguso namin.
Pero sa oras na marinig ko na may nangloko at nagpa iyak sakanila, jusko, mahihirapan kayong pakalmahin ako. Yun yung mga oras na ang sarap lang talagang mang wasak ng bungo. Kaya matakot kayo sakin. Tumino kayo kung ayaw nyong maabangan sa kanto ng frat namin. FRATING-GUTOM. Charot =))
RF: Isang beses palang ako umiyak dahil sa lalaki. (Syempre, exempted yung Tatay ko dito. :| Hahah.) Yun yung na broken-hearted yung bestfriend ko ng dahil sa mukhang penguin na yun. Edi syempre ang bruha, lusksang luksa ang peg, kulang nalang talaga ay ituloy na nya yung mga pagbabanta niya na magpapakamatay na siya. Araw araw ganun, hanggang sa naiyak nalang ako sa galit dahil dun sa ginawa nung lalaki na yun sakanya.
Hayy, ewan. Kapatid kasi ang trato ko sa lahat ng mga kaibigan ko. Kaya gaya ng kay Ryan, ako lang pwedeng mang asar at mang trip sa kanila. =)) Kung di, humanda kayo. >:))
















