Super Rant
Apparently, nag-ask daw ng "saklolo" 'yung mga kamag-anak dahil ang lola ay... hindi ako sure anong term ang ginamit, pero nagsisisigaw? Dinala sa amin ng tatay ko, e 'di sa amin naman nagsisisigaw, naghagis ng mga gamit, at iba pa. Sabi ko, kailangan na naming magpa-ER kasi hindi mapapakalma 'yung lola nang walang gamot. Pero wala. Parang walang grasp 'yung mga kamag-anak sa sitwasyon. Hindi raw ba pwedeng resetahan ko na lang tapos uuwi na? Mag-outpatient consult na lang sa ibang araw? At best of all, sabi ng lolo ko, nag-iinarte lang daw.
Nakakainis din talaga 'yung mga kasama sa bahay minsan ng pasyente eh. Laging "okay lang" pag tinanong mo kahit hindi okay! On an unrelated note, naisip ko rin 'yung anak ng kaklase ko dati, may global developmental delay na nga noong pinatingin nya pero nganga ang tatay at pamilya, hindi, normal naman daw 'yung bata. Anong therapy therapy? Malalagas ang buhok mo kakapaliwanag!
Balik sa lola, wala man lang makasagot ng medical history questions, anong mga gamot iniinom nya, may [insert sakit] ba sya? Hindi ko naman alam, kasi hindi ko naman siya kasama sa bahay! Hindi pa pare-parehas mga sagot nila pag tinatanong kung kailan nagsimulang magkagano'n ang lola!
At inis na inis din ako kasi sa hospital X pa dinala. Or pwede raw ba sa hospital Y? Naubos pa oras namin kakapila, wala ngang psych doon! Nagtanong na ako sa mga kaklase ko sa hospital Z (kung saan din ako galing, for the most part) at okay na sana, kaso ang mga kamag-anak e ayaw doon kasi malayo raw? Nakakapikon talaga.
Alam mo 'yung nanlalaban na 'yung pasyente, nanghahampas, nanghihila, hindi makausap nang maayos, tapos after 3 hours finally, nag-order ng "pampakalma" pero oral? At ako raw ang magbigay kasi sa akin daw nakikinig? Gusto ko na talagang manapak kanina.
Inorderan nila ng labs 'yong uncooperative at agitated na pasyente? Ano ineexpect nila? Bahala na 'yung med tech basta makatusok siya?
Tapos syempre, ito ako, nasa work. May choice ba? Papasok din bukas kahit bumabagyo na.
Naisip ko nanaman 'yung ex ko, kaya ako iniwan e, rant ako nang rant, naapektuhan daw siya negatively. Toxic na raw at unhealthy. Dapat good vibes lang.















