Antagal ko na yata huling nag-post. Naisip ko nga lang 'to kasi may nag-follow.
Maraming nangyari nu'ng 2025 eh. Umalis nanaman ako sa work, pumasa sa exam, nagstart ng bagong work, pumasa sa bootcamp (may award ako ha, best capstone), nagkaroon ng bago ulit na work (so tatlo na sila ngayon), at nakatuntong sa China. May time pa ako mag-fun run ah, kasabay ng lahat ng 'yun, 'yung Women's Run sa Sunken Garden na bongga sa putik.
Umalis na pala ako ulit sa bahay so ubos ang laman ng wallet pero tanggap naman na yata nilang ayaw kong mag-church. Mas payapa rin.
This 2026, lilipat nanaman ako ulit. Though, sa March pa dapat mag-eexpire 'yung contract sa inuupahan near BGC, excited na ako lumipat sa bagong bahay sa Pasig.
Also, iniisip ko kung bibili ng Wuling, kaso wala syang airbag. Sana magkadiscount nang malaki, pero alam ko namang malabo. Hindi ko rin naman need kasi pag lumipat ako sa bagong lugar, walking distance na lang ang office. Pero gusto ko kasing gumala pag weekend, saka dahil tumatanda, parang necessity na magkaroon ng mode of transpo.
Maraming nagsasabi na bakit EV eh malapit lang naman presyo sa Raize, pero ayaw ko ng ginagasolinahan eh. Parang maganda 'yung Lynk & Co. na 02, pero malapit ang presyo sa Tesla.
May house at kotse fever ako recently (feel ko gusto ko magkabahay at kotse) pero phase lang siguro. Haha. 'Yan na lang muna. Congrats sa mga bagong attorney.











