Hangal na Paniniwala
Hintay ko sya sa loob ng Anim na buwan at umasan muli syang babalik tulad ng kanyang ipinangako,pero isa lang palang kahangalan ang ginawa dahil kahit kaylan ay wala pala syang balak na tuparin ang ipinangako nya,
At isa lamang pala yun sa napakarami nyang kasinungaling na binuo para paglaruan ako at paasahin sa mga bagay na walang naman palang katotohanan,
Pero ngayon na nagising na ako sa hangal kong paniniwala na mahal nya ako at babalikan nya pa ako kaya ito ako ngayon tuluyan ko ng binitawan ang lahat ng merun kami sa nakaraan at sinusimulan ko ng panghawakan ang mga bagay na merun ako na wala sya,
Dahil maaring wala na sya sa buhay ko pero hindi yun sapat para piliin kong itigil na ang buhay ko sapagkat hindi dun tumitigil ang pag ikot ng mundo ko.
















