Apat kaming laging magkasama sa school tas netong mga nakaraang araw, napapansin ko na medyo lumalayo na samin yung isa. Akala ko ako lang yung nakapansin pero kaming tatlo pala. Hindi namin alam kung anong mayroon kung bakit biglang naging ganun. Kung may nasabi o nagawa ba kami na kina-offend o kinabadtrip niya, kung tinotopak lang ba siya at wala namang kaming ginawa. Ang gulo, naguguluhan kaming tatlo kung ano talagang nangyari ba't bigla siyang naging ganoon samin. Yung magkakatabi kami tas lilipat siya ng upuan, pag tinatanong o kinakausap namin ang tipid ng sagot, parang laging badtrip sa amin. Hayyy, ano bang nagawa namin? Pero siguro, hahayaan ka muna namin tsaka ka na lang namin kakausapin. Sana okay ka lang, kung may nagawa o nasabi man kami pakisabi na lang. Salamat.








