Kamikazee, Mahal ko kayo.
December 10, 2015. Yan ang petsa ng Huling Sayaw para sa Kamikazee. Isa sa mga paborito kong bandang pinoy. Sa iniidilo, hinahangaan, tinitingala, at sinasaluduhan ko. Masasabi ko na napakalaki ng parte ng Kamikazee sa buhay ko. At ni kahit kailan hindi matatanggal ito. Lagi kong pagmamalaki at pagmamayabang ang bandang ito. Ang tunog nila ang kasama ko sa saya at lungkot. Ang tunog nila… ay nagiisa. Walang kapantay. Walang kaparehas. Tanging Kamikazee lang ang meron niyan!
November 14, 2015. Yan ang petsa kung kelan kami bumili ng Ticket. Nangangamba ako na baka wala na. Na baka hindi na kami nakaabot. Pero iyon, nung hawak ko na yung anim na ticket para sa amin. Hindi ko maisip na ito na… na ito na yung huli para sa kanila. Kahit na Gen Ad lang kami, Ayos lang. Marinig at Makasama lang namin sila sa Huling Gabi nila, Ayos na! Sabi ko sa sarili ko magaaral ako ng mabuti, At pagnagreunion sila isa na ako sa mga nakatayo sa harapan nila.
Una ko silang nakita at nakasama sa isang Concert nila sa KB Gym dito sa Malolos. Kasama ko nun yung mga tropa kong nagbabanda. Yun nga lang hindi sila kumpleto, Wala si Bords nung panahon na iyon. Pero solido pa din! Hinding hindi ko makakalimutan yun! Lalo ko silang inidolo, hinangaan, tiningala, at sinaluduhan nung gabi na yun. Grabe lang talaga sila e. Makikita mo sa kanila na Mahal na Mahal nila yung ginagawa nila. Makikita mo din sakanila na sobrang saya nila habang tumutugtog. Lahat sumusabay, Lahat tumatalon, Lahat kumakanta, Lahat! Lahat! Gusto ko silang lapitan nung tapos na. Para magpakuha ng litrato sa kanila. Kaya lang, Nagpunta agad silang Back Stage e. Kaya iyon. Hindi ko nagawa.
Habang sumasapit ang araw. Habang papalapit ng papalapit ang araw para sa Huling Sayaw. Lalo kong iniisip na ito na ba talaga yung huli. Ito na ba talga yung wakas. Pero mga klasmeyt, Alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang huli, Alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang wakas. Alam ko.
December 10, 2015. May pasok ako sa eskwela. Kailangan ko muna ng magaral. 5:30 pm pa yung uwian ko. 8 pm yung start ng show. Tinatanong ko nanaman sa sarili ko kung makakaabot ba ako. O baka maiwan ako. Nag set kami kung saan kami magkikita at kung anong oras. 5:30 pm ang napagusapan namin, Magkita kita kami sa Gate ng Subdivision na tinitirhan namin. Sa Eskwelahan na ako nag bihis. At diretso na! Tuloy tuloy na to! Tara na! 5:30 sakto nakarating ako sa tagpuan naming magkakasamahan. Bumiyahe kami. Medyo traffic pa nga e. 7 pm sakto nakarating kami sa Cubao. Pagkadating namin gutom na gutom kaming lahat. Kumain muna kami kah Mang Inasal. 7:40 pm nakarating sa amin yung foods namin. Kain agad! Rice agad! Lamon na tol! 8 pm sakto! Nakapasok na kami sa loob. Bilis namin kumain hahahahahaha! Hindi pa nagsisimula. Pero wala na kaming magandang pwesto na napuntahan. Napwesto kami sa bandang likuran ng kamikazee. Medyo konti lang yung tao nun. Pero parami ng parami. Nung bandang Queso, Sigaw na ako! Idol din to e! Nung pumasok na yung Chicosci! Sigaw din ako syempre! Hahaha. Solido yung mga bampira sa gabing yun! Kaya lang, Hindi nila tinugtog yung Raspberry Girl. Yatits! Hahahaha. Nung pumasok na yung Urbandub! Napatayo at napasigaw ako! Idol! Ito na yun! Tutugtog na sila! Kaya lang wala si Lalay. Huhuhu. Una nilang tinugtog, “Endless, A Silent Whisper”. The best! Saktong sakto yung kanta for Huling Sayaw. Lupit! Tumayo na ako sa pinakalukuran. At tumatalon na ako dun. Wala akong pakialam kahit tignan ako ng maraming tao. Susulitin ko na to. Sa katapusan ng taon na to. Yun na din ang huli ng Urbandub. Kaya alam ko na ito na din ang huling pagkakataon na makita ko sila. Na makasabay sa kanila. Na makasama sila. Pero alam ko na hindi pa din yun yung huli ng Urbandub para sa akin. Sumunod na tinugtog nila, “Soul Searching”. Sumunod, “ The Fight is Over”. Ito na yun. Dito na ako kinilabutan. Grabi yung tunog nila. Solido! Ibang iba. Simula hanggang dulo ng kanta sumasabay ako. At naramdaman ko sa sarili ko na nalabas ko lahat ng nararamdaman ko sa pagkakataon iyon. Grabi lang talaga! Sumunod, “First of Summer”. Itong kanta na to ang nagdala sa akin sa Urbandub. Ayos! Ayos na ayos! Susunod na sa kanila ang Kamikazee! Ito na! Sila na ang susunod!!!!!
Nung pumasok na yung Kamikazee. Lahat kaming magkakasamahan tumayo na sa pinakalikuran. At handa ng makipaglaban. Handa ng tumalon. Handa na sa lahat! Una nila nilang tinugtog Chicksilog! Ayun na. Gasakan na kami. Wala kaming paki sa ibang nakakakita sa amin. Sobrang kulit namin sa taas. Sinasabayan ko bawat kanta nila. Bawat segundo, ninanamnam ko. Kahit paos na ako, Tuloy pa din! Mawalan man ako ng boses, Ayos lang. Ito na yung huli e. Ito na yung wakas. Ito na yun! Sulitin na! Ilabas na lahat! Kahit ihing ihi na ako, Tiniis ko. Para lang wala akong malampasan na kaganapan sa oras na yun. Ang gusto ko lang titigan sila. Panuorin sila. Sabay at makitalon sa kanila. Yun lang! Yun lang! Nung tinutugtog na nila yung Huling sayaw. At tinawag na nila si Kyla. Dun na ako ulit nagisip. “Ito na ba talaga? May dulo ba talaga yung langit?” Ano ba naman yan! Naiiyak ako sa totoo lang! At hindi ko kinahihiya yun. Nakapikit ako at sinasabayan ko yung kanta. Sumasabog yung buong pagkatao ko. Sumasabog yung puso ko. Naaalala ko lahat ng pinagsamahan namin ng tunog ng Kamikazee e… 4th year High School ako, Halos buong Album ng Romantico jinajam namin sa Canteen! Pwera nga lang yung mahihirap. Di naman kaya hahahaha. Isang Gitara. Isang pwesto. Makabuo lang ng bilog. Yun na yung simula nun. At everytime na nagjajamming kami, Hindi pwedeng hindi niyo madinig sa amin yung Kamikazee. Hindi pwede. Ito yung nagpatatag sa samahan. Kumags ang tawag namin sa samahan. Buong Section namin, 4 Kamagong. Nakikikanta. Nakikisabay. At ang sarap lang. Ang sarap lang ng ganung pagkakataon. Kung pwede lang huwag ng matapos. Huwag ng magwakas. Kahit isang album na lang Kamikazee. Please!
Nung natapos na yung kanta. Yung pakiramdam ko parang guguho na. Pinatay na yung ilaw. Akala namin yun na yung wakas. Ayaw umalis ng mga tao. At ayoko ding umalis syempre. More pa! More! More and More! Hanggang bumalik sila. Tumugtog ulit. Tayo ulit kami. Pero medyo nawala na yung kulit namin. Pagod na. Naibigay na lahat sa 1st set hahaha. Habang pinapanuod ko sila. Natutuwa lang ako, Natutuwa ako na naging parte sila ng buhay ko. Kamikazee Rocks tsong! Kulang ang buhay mo kung wala sila. Hindi kumpleto sinasabi ko sayo. Hindi! Hindi! Habang matapos ang show. Nakatulala lang ako sa kanila. Pinapanuod bawat kilos nila. Lagi kong sinasabi na ito na yung huli e, sulitin na. Ang dami kong natutunan sa bawat kanta nila. Ang dami! Sobra! Iniisip ko din kung paano mabuhay ng wala yung kamikazee, Paalam na ba talaga sa matamis nilang halik? Alam kong libre lang mangarap, Walang hanggan na paghiling. Pero kahit na magaway away tayo dito. Magkikita kita pa din tayo sa isang tagpuan. Kung saan walang dulo ang langit. Walang katapusan na huling sayaw. Kung may pagkakataon man ako makita at makausap sila ng malapitan. Walang dalawang isip na yakapin sila isa isa. At magpasalamat sa kanila. Salamat. Salamat Kamikazee, Sa lahat. Sa pagbibigay Inspirasyon sa akin. Sa pagdadag ng mga pangarap ko. Sa pagtuturo na mahalin ang musika natin. Maraming Salamat. Kamikazee, Hinding hindi kayo mawawala sa aking tabi. Lagi kayong kakantahin ng aking mga labi. Hinding hindi kayo makakalimutan kahit sa aking huling sandali. Mahal na Mahal ko kayo mga Klasmeyt! Paalam! Ito na ang Huling Sayaw!
PS: Wala akong masyadong Picture o Video, Gusto ko kasing ienjoy lang bawat segundo, minuto at oras ng huling sayaw. Ayoko lang ng may hawak hawak akong Phone. Hindi ko man nasave yun sa Phone ko. Pero sa isipan at puso ko, Hinding hindi ko makakalimutan yung gabi na yun. Hinding hindi. Alas 3 na kaming nakauwi, Tapos may pasok pa ako kinaumagahan. At Examination pa. Wala akong nasagot, Seryoso! Hahahahaha. Walang ibang laman ang isip ko kundi sila.














