ang maging crush mo ang isang sikat na tao dahil kamukha nya ay isang malaking kalokohan! pano ka makakamove on kung sikat nga yung taong kamukha nya edi syempre lagi mo yun makikita! sabi ko sayo kalokohan yan eh! sabagay, ano nga ba magagawa mo, eh sa kamukha eh! saksak ka na lang. kaso sa tuwing makikita mo si sikat, may nararamdaman ka sa puso mong kirot. kirot na nagpapagising sayo sa realidad ng buhay na hindi na mangyayari ang pinigilan mong mangyari noon. pero see it as a blessing in disguise. what if naging kayo, edi ikaw ang magkakapamilya ngayon? pano na mga pangarap mo para sa pamilya mo? pasalamat ka na lang kay ateng di ba? kasi sya ang sumalo para sayo ng baka mangyayari sayo. pasalamat ka din kay Lord. He has plans for you. Do your best sa work at sa studies and He will do the rest. Trust Him. :)