Sabi ni mama mukha na daw akong kape
Ako:
Sabi ni mama mukha na daw akong kape
Ako:
Sabi mo hanggang dulo. May pa forever forever ka pa. Oo nga pala natupad mo naman. Sa iba tao nga lang. *Sigh
fave kahit hindi na ako nagrereview
pusuan mo tapos usap tayo dali
// 1:46 am
Dami kong time magcover ng book at manood ng naruto pero matulog walaaaaaa!
Matino na ko pero yung tiyan ko ayaw magbago ang dalas nya magloko 😂
Nalilihis
Nakakainis.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ayan, kung anu-anong problemang personal at kamundohan ang naiisipan. Pati ito, pagsulat sa tagalog. May Aprikanong kumakanta sabay sa malumanay na pintig ng kwerdas. May naririnig akong mahinang lira sa headphones na kinailangang gamitin. Natural. Hatinggabi na, halos ako lang ang gising.
Normal lang to sa isang estudyante ng arkitektura. Ngunit di lumipas ang araw na di ako nainis sa sarili ko kasi ang totoo? Ngayon pa lang ako kikilos.
Kanina pa ako nakatulala sa kung anu-anong bagay na di ganoon ka-importante habang nagsasayang ng oras. Kadalasan ay ganito. Nakakabarino.
Gago. Nahihirapan akong magsulat sa tagalog.
Kung hindi lang nakakumpuni ang Pilipinas na isamba ang ingles, di sana hindi ako nahihirapang sumulat sa aking inang wika. Di sana di ko kinukumpara ang kadalian ng paggana ng utak ko sa pagsulat sa Ingles kaysa Tagalog.
Putangina. Nalilihis na naman ang isip ko patungo sa kung anu-anong bagay.
Bakit kasi kailangan pa ng kape para lumipat sa espiritong pagkilos?
02.12.18
4:12 na pero buhay pa rin ang katawang lupa ko, good luck na lang sa birthday ng tita ko mamaya. Bakit ba kasi napunta ako dito, parang kanina lang naggagawa ako ng report ko ah. Dapat din magrereview ako para sa mga test ko sa tuesday, yung mga manok dito tumitilaok na. Jusko ang hyper ko nanaman salamat sa caffeine. HAHAHAHAHAHA.