Espasyo: Paghinga at Pahinga
Ang Ginhawa Art's and Crafts Cafe ay isang Pop-up coffee stop at space para makahinga, makapagpahinga kahit nasa kalsada. Ito ay sinimulan ni Kuya Steve sa pagnanais na maibahagi ang sarap at ginhawa ng pa(g)hinga. Sa pagmamahal sa sining at hilig sa paglalakbay nabuo ang pangarap na ito. Ito rin ang magiging lagayan ng mga likhang sining at lokal na produkto na ating magagawa at mahahagilap sa paglalakbay. Sisikapin ng ginhawa na maging konektado sa kalikasan at kapwa.
Ang Titik Enterprise ay isang paraan ng Titik Poetry isang grupo ng mga artist sa Cavite upang magkaroon ng platform ang mga artists na makapagbahagi ng kanilang mga talento at ma-iconvert ito para masuportahan ang kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw.
Ipinagmamalaki naming produkto ang Ginhawa ng pangarap na ito na unti-unti na nating naisasakatuparan. Sa paglalakbay na ito sinisiguro naming tayo ay susuporta sa mga lokal artists.
Atin nang pormal na ipinapakilala ang "Ginhawa Coffee Stop" at mga art's and crafts na ating mga dala. Sobrang saya ng karanasan, mga kwento, at higit sa lahat mga bagong kaibigan.
Ito ang ating dala-dala hindi lang basta mga kape at abubot kundi mga kwento na balang araw magbubunga ng maganda. Lakas para sa bawat isa para magpatuloy sa ating ginagawa. Ang dami kong natutuhan, nawa kayo rin. Dalhin natin parati "na sa bawat pagtapak sa isang lugar bagong karanasan ang iyong mai-uuwi."
Nung sinisimulan ni Kuya Steve ang Ginhawa ito ay kanyang libangan lamang. Ang pagpunta sa mga bakanteng lugar na may puno, pagtambay sa tabi ng palayan at pagpunta sa mga lugar na malalayo ay isang paraan para makapag-isip, makahinga, at makapagpahinga.
Ito ang bentahe ng Ginhawa Art's and Crafts Cafe na hindi lang tayo isang business kundi isang space o espasyo na pwedeng makapaghinga at makahinga. Sa ating pagpadyak sisikapin naming ito ay maibahagi sa bawat makakasalamuha sa daan. Tayo ay magtatanim ng mga kwento na ating babaunin sa buhay.
Pitik ni Heiro Noah
Salamat sa suporta simula pa lang ang ating pagpadyak, nawa'y makasama pa rin namin kayo sa paglalakbay na ito!

















