May Nakilala Akong Yogi
August 2018 may na-attendan akong yoga session sa maginhawa sa UP. Yung yoga instructor ay naging friend ko sa facebook at I was inspired of his lifestyle. Magmula sa pagkain, exercise at daily routine.
Pero bago pa yang pangyayari na yan na-trained na ako sa formation program sa isang Catholic institution sa ganitong lifestyle. Na gigising ng maaga, magluluto ng almusal, gagawa ng mga gawing bahay, may meditation, papasok sa school vice versa. Kaya hindi na bago sa akin.
Ang kaibahan nitong pandemic ako mas naging immersed sa practice dahil mas naging maluwag ang oras ko at hindi ko pinipilit gawin yung practice. And I was introduce by a yoga teacher from Thailand yung practice ng gratitude journal. Ginagawa ko na yung concept pero hindi ako aware sa benefits nito. Para patayin lang ang oras at talaan ng mga nangyayari sa akin sa araw-araw.
Siguro para hindi ako ma-pressure, gusto kong isipin na sumusulat ako sa isang tao na gusto kong makausap.
Kapag nababasa natin sa libro masyadong seryoso ang practice. Nang makilala ko itong yoga teacher na ito, na personal instructor and life inspiration ko ngayon natutuhan kong maging masaya sa practice. Hindi mo dapat parang tino-torture ang sarili, ang practice ay patungkol sayo hindi sa kung ano ang tingin sa iyo ng iba.
Manatiling connected sa practice, sa paligid at sa sarili ang pinakamahalaga. Practicing yoga para akin ay isang journey hindi ito patungkol sa posture. Ito ay kung paano ka dadalhin ng proseso para lumago sa buhay.
Doing the practice may kalakip na paggawa ng action to make it happen. Binigay na sa iyo ng universe ang papel mo na ay ibahagi ito at mabuhay dito. Alagaan ang sarili, maging mabuting tao, makipagkapwa tao, maging mapagmahal, manatiling mapagkumbaba, at higit sa lahat magturo sa iba.
Sobrang amazed ako how teacher Joanne, lived her life to the fullest. Hindi pa kami nagkikita personal, but our soul are connected every time. Magkasundo kami sa mga libro, sa mga concepts, ideas at sa sports. Sa katunayan nga she influence me to do time restricted eating and yogic sleep to be more responsible sa health ko. hehehe “FASTING!”
Super grateful to meet her and BEING part of my journey. Namaste! Happy Continuation Day Teacher Joanne!













