Buhay sa 2020
Unang buwan pa lang ng taon ng 2020 lahat tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang pagsubok. Naalala ko yng pangungulit ko sa mga kaibigan ko kung ano ang pwede naming gawin. Iba’t ibang pryekto ang nailunsad at dito rin napangalan ang BooklatJuan: A Storyteller’s Journey. Shempre, kasama nito ang pag-aalala kung paano ito mapagpapatuloy at maisakatuparan ang iba pang proyekto.
Ang taon ng 2020 ay maraming “What if” na ang iilan ay nagkaroon ng “Possible pala ito” na sagot.
Sa dami ng mga nangyari, hindi ko rin masabi kung panget o maganda ito. Walang itsura. Dahil sa dami “What if” ang dami ding posibilidad na ipinanganak. Question-in natin ang mga nangyari. Ang hiling ko lang at pinagsusumikan ko rin itanong sa sarili ko “Paano natin gusto makita ang mundo na ating ginagalawan ngayon?”
Paiiksiin ko na lang sa tatlong puntos ang pasasalamat ko.
1. Pamliya. Ang bawat pamilya ay hindi maiaalis ang conflict sa bawat isa. Pero siguro ang araw-araw na sumubok na maging mabuti (anak) ay malaking bagay na.
Kuha noong Pasko insert Papa Undo
2. Komunidad. Sa buhay mahalagang mayroong support system lalo ngayong new normal at shempre ang magkaroon ng boundaries. Magalak ka sa tawanan at namnamin ang katahimikan kapag kailangan. Ang tunay ay tunay.
Kuha sa Batangas City at Sineguelasan ng BooklatJuan at Project Sigya
3. Pagmamahal sa sarili. Maging grounded at mas kilalanin ang lakas at kahinaan. Sumayaw ka. Kumanta ka. Magsulat ka. Mag-aral ka. Magpinta ka. Mabuhay ka. Sumubok ka. Ang buhay ay hindi natatapos sa kung ano ang pinaniniwalaan mo. Sa healing journey mo ay magkakasama tayo.
tula at larawan ni Kerstin Pinto
Bagong taon na! Padayon! Sama-sama tayo ulit sa 2021. Salamat sa lahat ng napadaan. Astig kayo!













