Kaskasero is dedicated to those who love the smell of gasoline and getting piss-drunk while rocking to good music and everything in between.
seen from China
seen from Saudi Arabia
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Bangladesh

seen from United Kingdom

seen from France
seen from South Korea
seen from Georgia
seen from Malaysia
seen from United States
seen from Netherlands
seen from United Kingdom

seen from Indonesia
seen from Singapore

seen from Germany

seen from United Kingdom

seen from France
seen from Russia
seen from United Kingdom
Kaskasero is dedicated to those who love the smell of gasoline and getting piss-drunk while rocking to good music and everything in between.
Kaligtasang Nakumpromiso
Sa aking naranasan kagabi, halatang hindi nag-aral ng pagmemenor sa pagmamaneho ang batang kutsero. Hindi niya siguro alam ang responsibilidad niya bilang isang jeepney driver: ang ligtas na maihatid ang kanyang mga pasahero.
Hindi lamang nagtatapos sa pagiging marunong magmaneho ang isang driver. Iniisip din niya dapat ang kapakanan ng kanyang mga sakay.
Sa totoo lang, ang kanyang pinakitang bagay, pasensya na sa sasabihin ko, ay kitang kita wala siyang napag-aralang tama tungkol sa kaligtasan. Kulang ang alam niya. Isa rin siyang biktima, kung iisipin. Sino ang may sala?
Malamang ang may sala ay ang mga nagbibigay ng mga exams para sa pagkakaruon ng lisensya. Maaaring nagbayad siya para bumilis ang proseso, na pumasa siya sa mga eksamen na dapat ay magsisiguro na alam niya ang salitang "kaligtasan" at "defencive driving." Ngunit hindi ganun ang kaso. Kung maka-kaskas kasi siya, mayabang pa. Tsk. Sana iyon ay naiiisip ng mga nage-eksamen ng mga mag-aaral ng pagmamaneho. Kurapsyon din ang papatay sa mga inosenteng sumasakay sa pampublikong transportasyon.
Dahil sa mga ganung bagay, lalong nalulugmok ang ating bansa. "Tutal, madali lang naman ata magmaneho ng jeep, at kahit sino pwedeng makapasa. Bakit pa magsisikhay ang isang tao, magmamaneho nalang siya ng jeep. Madali lang kumuha ng lisensya, diba?" Ang pangyayari ay lalong nag-hahatak pababa ng kalagayan natin.
Kung hihigpitan lang nila, edi mas magsisikhay ang mga tao para mag-aral upang makakuha ng lisensya; at hindi mamaliitin ang kakayanan ng isang jeepney driver. Kurapsyon, kawalan ng pagmamahal sa sariling bansa, at ang hindi pag-iisip para sa iba ang ugat nito.
Sana naman ay hindi na maulit ang ganuong pangyayari hindi lamang sa akin, kundi para sa lahat ng mamamayang Pilipino. Hay.
-----
Wag ka magalit, patuloy pa rin akong susuporta sa pampublikong transportasyon kasi isa itong paraan upang makabawas sa trapiko at pulusyon. At mas nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.