PARA SAN BA TO
Teka lang, wag kang kupal kasi blog ko 'to, kung hindi ka bitter at feeling mo may forever edi mag post ka ng relationship goals niyo 🙄 Ginawa ko tong blog na ito para isalaysay sainyo (pero para talaga sa sarili ko) ang mga gumugulo at bumabagabag sa isipan ko lalo na sa mga panahong ito. Nakakabaliw mag-isip ng mag-isip, kaya sabihin na nating parang getaway ko to sa pagiging bitter. Hindi ako writer or mass comm graduate. Hindi ako matalino pero hindi ako bobo. Ito lamang ay opinyon ko na sa tingin ko makakatulong sa akin balang araw upang maobserbahan ang sarili ko pag sobrang sumasabog na ang damdamin sa puso ko. Open ako sa comments and violent reactions pero wala pa ring forever.










