sariling mundo
para tayong may sariling mundo nung mga oras na 'to. sobrang nagkakaintindihan tayo. tuwing makikita ko ang photo na yan, sobrang dami kong naaalala.
nung mga oras na pumunta tayo ulit dyan nung mga panahon na hindi na tayo okay.. ang sarap pala sa feeling balikan yung umpisa. sarap sa pakiramdam na alam mong may progreso na tayong dalawa.
dating umuupo tayo dyan wayback 2018, kapag petsa de peligro na kailangan natin magintay kasi wala tayong pamasahe pauwi. ngayon pwede na nga tayong mag book ng grab kasi may pera na tayo e.
dati kailangan natin mag budget ng sahod para may pang date tayo sa monthsary. ngayon kahit saan tayo makarating na resto basta mukhang masarap, tinatry natin every week na uuwi ka.
dati kailangan nating magtiis na magtrabaho habang nagaaral para kahit papano makadagdag sa gastusin. ngayon may parehas na tayong may regular na trabaho. damn.
(1) Carlo, QA Engineer. (2) Ecel, Project Manager.
yung mga malalaking bagay noon para satin na akala natin ang hirap o matagal pa natin maaabot, binigay ni Lord satin in this right timing. ang sarap sa pakiramdam kasi dati puro "sana" lang kung ano meron tayo ngayon.
dami na nating pinagdaanan, mahal. magkakamali ako, magkakamali ka. marami pa tayong pagdadaanan. marami pang susubok sa relasyon natin sa isa't isa at sa Kanya.
ano man ang kahinatnan natin sa mga susunod pang taon, kung ano man ang plano ng Panginoon sa relasyon natin.. palagi kong ipagdarasal na maging masaya ka.
mahal kitang palagi, Carlo Patron Libramonte.













