True Relationship
Hindi madaling mag-maintain ng relationship. Hindi naman kasi dapat mine-maintain 'yon. It's like a flower that needs to bloom. Hindi dapat manatiling ganito na lang o ito na lang. Dapat parang laro na pataas ang level. Maingat. Hindi magpapa-game over. It's also like the heart of an adventurer: matapang, risk-taker. That way, nag-go-grow. Para ring sasakyan na nangangailangan ng driver at fuel para umandar. Iyong magka-relasyon at ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Two-way. Hindi ito labananan ng kung sino ang mas nagmamahal. Ito ay ang pakiramdam na masaya kayong dalawa kasama ang inyong mga pamilya at kaibigan, nagtutulungan, parang magkapatid at matalik na magkaibigan; sabay na nangangarap at gumagawa ng paraan para maabot iyon. Nananalig at nagtitiwala sa Panginoon. True relationship: nagmamahal at patuloy na nagmamahal (hindi nagmahal at hanggang doon na lang). Kevz. Magpi-pitong taon na. Maraming salamat. Minamahal kita. <3









