Iyong kasiyahang nararamdaman sa bawat araw kahit iniisip mo lang siya. Iyong kapayapaan sa puso kahit hindi mo siya nakikita. Iyong mga kwentong ibinabahagi sa isa’t-isa. Iyong mga plano na hindi lang pang-ngayon kundi pangmatagalan. Iyong mga pangarap na hindi lang pang kanya ngunit para sa iyo rin. Iyong pakiramdam na nananatili kahit mahabang taon na ang lumipas. It’s love. Totoong pag-ibig na hindi lang nararamdaman ninyong dalawa. Tunay na pagmamahal na nanggagaling sa Kanya.❤️















